Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May-ari ng Blackwater haharap kay Salud ngayon

HAHARAP ngayon ang may-ari ng Ever Bilena Cosmetics na si Dioceldo Sy kay PBA Commissioner Chito Salud at ang tserman ng PBA board  na si Ramon Segismundo tungkol sa plano ng Blackwater Sports na maging bagong koponang kasali sa liga.

Layunin ng pulong na determinahan kung kaya ba ni Sy na gumastos ng malaki para magtayo ng koponan sa PBA.

Sinabi ng isa sa mga associates ni Sy na si Wilbert Loa na kaya ng Blackwater na makapasa sa mga patakaran ng PBA para maging expansion team.

“Kaya naman namin. Kasi kami naman ang top selling Filipino make-up brand. The sales chart of our company will prove that we are a legit applicant,” wika ni Loa sa panayam ng www.spin.ph.

“Our brand has been a household name and synonymous with women’s beauty products. Thirty one years na ang Ever Bilena. Hindi kami hao shao (fake) na kumpanya.”

Idinagdag ni Loa na nais ng Blackwater na magbigay ng trabaho sa mga manlalarong nawalan ng koponan sa PBA lalo na malapit nang magsara ang ASEAN Basketball League pagkatapos na nagbitiw ang CEO ng liga na si Anthony Macri.

“At least, kung makakapasok kami, that’s 14 more playing opportunities for 14 more players. And hopefully. madagdagan pa ulit ng isa pa o dalawa pang sasali. Sana hindi lang kami ang magpakita ng interest,” ani Loa.

Kung magtatagumpay ang Blackwater na makapasok sa PBA, susunod ito sa yapak ng Rain or Shine at Globalport na parehong galing sa Philippine Basketball League.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …