Friday , November 15 2024

Gomburza (1)

NAKARAAN at nakaraan ang Pebrero 17 pero ewan ko kung bakit walang ginagawang kapansin-pansin na pagpapahalaga ang pamahalaan kina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora maliban sa pakitang tao na pagtataas ng bandila sa kabila nang katotohanan na utang natin sa kanila ang ating kamalayang Pilipino ngayon.

Hay! Naku, ang kamatayan yata ng tatlong pari sa pamamagitan ng garote ang gumising at nagpaalab sa diwang makabayan ng ating mga bayani tulad nila Marcelo H. Del Pilar, Jose Rizal at Andres Bonifacio. Aba! Ang kanilang kabayanihan yata ang ugat kaya nabuo ang kilusang propaganda sa Europa at ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK-AnB) sa Kamayanilaan at karatig lalawigan. Ang pagkilos naman nila Del Pilar, Rizal at Bonifacio ang nag-silang sa Himagsikang 1896.

Nakalulungkot na walang malinaw na kilos ngayon ang pamahalaan upang ipakilala ang kadakilaan nina Gomburza sa kasalukuyang henerasyon maliban sa nakaugalian na paggamit sa kanilang mga pangalan para pangalanan ang maliliit na lansangan sa malalayong munisipyo’t barangay na masasabi kong puro drawing lang.

Ilan sa mga kababayan natin ang nakaaalala pa na 142 taon na ang nakararaan mula nang bitayin sina Gomburza ng mga Kastila? Aber? Ilan kaya ang may alam na sina Gomburza ang mga tunay na ama ng ating kaisipang makabansa? May palagay akong kakaunti lamang. Da-ngan kasi sina Gomburza ay kabilang na nga-yon sa mga halos limot na nating mga bayani. Ang kanilang mga pangalan ay kahanay na ng matagal nang limot na sina Padre Pedro Pelaez at Gregorio Aglipay, mga pari ng simbahang Romano Katoliko na bumago sa daloy ng ating kasaysayan dahil sa kanilang mga ipinakitang kabayanihan.

Naalala ko tuloy na habang ako ay nasa Fa-culty of Arts and Letters ng Pamantasang Santo Tomas o UST noong dekada 80, napasama ako sa Youth for the Advancement of Faith and Justice o YAFJ, isang maliit subalit prinsipyadong Kristyanong grupo na ang isa sa mga ins-pirasyon ay ang buhay nina Gomburza. Sa katunayan ay itinatag ang grupo noong 1981, sa araw mismo ng anibersaryo ng pagbitay kina Gomburza bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan. Kaya ngayong taon na ito ay gugunitain ang ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng YAFJ.

Sina Gomburza ay iginarote ng mga Kastila sa Bagumbayan o Luneta (ngayon ay kilala bilang Rizal Park) noong ika-17 ng Pebrero, 1872 matapos ang isang moro-morong paglilitis. Sila ay idiniin ng mga prayleng Kastila bilang mga mastermind daw ng nabigong pag-aaklas ng mga sundalong mestizo sa Fort San Felipe sa Cavite. Pero ang totoo n’yan, ang pagbitay sa kanila ay pagtatangka ng mga prayle sa pag-aakala na patatahimikin nito ang lumalakas na pagpoprotesta ng mga paring Pilipino laban sa dinaranas nilang kawalan ng katarungan sa loob ng simbahang Romano Katoliko. (itutuloy)

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *