Monday , December 23 2024

Cybercrime Law, walang kuwentang batas!

SADYA namang walang kuwenta ang kontrobersiyal naCYBERCRIME LAW na ang mga principal authors sa Kongreso at Senado ay masasabi nating mga walang kuwenta rin tao na hindi na kailangang banggitin pa ang mga pangalan..

Marami sa mga nakapaloob na probisyon ng naturang batas ay mapanikil sa mga lehitimong karapatan ng mga mamamayan.

Isa na nga rito ang probisyon patungkol sa libelo sa online posting na kamakailan lamang ay kinatigan at sinabing ligal ng Korte Suprema.

Paano na ibubulalas ng mamamayan at ni Juan Dela Cruzang kanilang mga sentimiyento at pagkadismaya sa gobyerno at halal na mga opisyal kung ganitong may “panakot” ng batas sa kanilang mga ipapahayag.

Ang internet o  social media ang pinakamadali at pinakamabilis na medium o access ng mga ordinaryong mamamayan sa paghahayag ng kanilang mga saloobin at hinanakit partikular sa isang isyu na kinasasangkutan ng kanilang korap o inutil na lingkod-bayan.

Ito rin ang venue para sa pagpapahayag at pagpo-post ng mga videos at larawan ng mga nangyayaring katiwalian o direktang paglabas sa batas ng mga ordinaryong  tao at ng mga nasa gobyerno.

Isa ang samahan ng ALAB NG MAMAMAHAYAG (ALAM) na pinamumunuan ng ating mahal na publisher Jerry Yapsa direktang kumukondena sa naging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman sa pagdedeklarang ligal ang LIBEL PROBITION na nakapaloob sa CYBERCRIME LAW.

Nakikita ng lahat nating mga kabaro sa industriya ng pamamahayag at ng iba’t iba pang media groups sa buong kapuluan na ang ginawang ito ng Korte Suprema ay hayarang pagyurak sa FREEDOM OF THE PRESS.

Ang masakit, pinalawig o ginawang 12 taon kulong  ang kaparusahan sa kasong libelo sa ilalim ng Cybercrime Lawmula sa dating anim na taon.

Kitang-kita, na ang mga makikinabang dito ay yaong mga taong gumagawa ng masama at ayaw ng ma “ TARGET “ ang kanilang mga katarantaduhan sa pamamagitan ngsocial media.

Marami sa kanila ay mga buwaya sa gobyerno at halal na opisyal ng bayan.

Pati ang Palasyo ng Malacanang ay nagpahayag pa ng pagsuporta sa naging desisyon ng SC sa halip na pumagitna at balanseheng mabuti ang isyu.

Mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nagsabing tama at makatwiran ang naging desisyon ng Korte Suprema na tila hindi na ikinunsidera ang lehitimong karapatan ng bawat mamamayan sa malayang pamamahayag.

Tila napakabilis ang naging reaksyon ng Palasyo patungkol sa naging desisyon ng SC sa Cybercrime Law salungat sa pagiging super kupad sa pagsusulong ng FREEDOM OF INFORMATION BILL na inaamag na sa komite niSenadora Grace Poe.

Kung ganito ng ganito ang magiging paninindigan ngadministrasyong Aquino sa mga isyu na umaapak at direktang yumuyurak sa mga lehitimong karapatan ng mga Pilipino,tila salungat ito sa paninindigan ng butihing Ina ni Pnoy na si yumaong Pangulong Cory Aquino na pinarangalan sa buong mundo bilang ICON of Democracy.

Paanong maipepreserba ang diwa ng  demokrasya sa Pilipinas kung ang mga batas na nililikha ay pumapatay sa karapatang pantao ng mga mamamayan tulad ngFREEDOM of EXPRESSION.

Tila iba ang kulay ng dugo ni PNoy sa inang si Tita Cory at amang si Ninoy Aquino.

Di ba sila ang pangunahing biktima ng paniniil at pang-aapi noong umiiral pa sa bansa ang rehimen ng diktatura?

Bakit ngayon, isa ka pa sa mga nangungunang magpahayag na TAMA at WASTO ang pagsikil sa kalayaan sa paghahayag?

Ang dali mo namang makalimot Pangulong Noy!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2 – 3 PM, mag txt  sa  sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *