Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging seryosong aktres ni Kim, mapapanood sa Ikaw Lamang (Dahil sa magaling na aktor si Coco…)

ni  Roldan Castro

MAGANDA ang feedback at pasok sa banga ang  bagong tandem nina Coco Martin at Kim Chiu sa full trailer ng Ikaw Lamang  ng ABS-CBN 2 na nakatakdang magsimula sa March 10. Kahit pansamantalang wala si Xian Lim sa project ni Kim ay tiyak na pasasalamatan ng fans ang Dreamscape Entertainment Television na nagkaroon ng period series si Kim na labas ang pagiging seryosong aktres niya.

Sa trailer pa lang ay litaw na ang chemistry ng dalawa. Napi-pressure rin si Kim dahil lumulutang talaga ang pagiging best actor ni Coco at nadadala siya. Nakikita rin niya na may input o suggestion si Coco sa bawat eksena nito para lalong mapaganda.

Sa hairdo pa lang ni Kim sa Ikaw Lamang ay challenge na sa kanya. Medyo mahirap daw, masakit sa ulo, sa buhok. Kasi noong  60’s ‘pag mayaman ka, kahit nakapantulog ay naka-hairdo pa rin.

Wala namang tension at intriga ang pagsasama nina Kim at Julia Montes sa set kahit mas nakasentro ang pag-iibigan sa karakter nina Kim at Coco. Rati rin kasing leading lady ni Coco si Julia sa  Walang Hanggan at ngayon ay  parang ka-love triangle niya sina  Coco at Kim. Magkasama raw sina Kim at Julia sa tent, nagkukuwentuhan at kalog, at tawa nang tawa at magaan katrabaho.

Sigurado naman kami na happy din si Julia sa role niya sa Ikaw Lamang at tiyak na hindi rin siya pababayaan ng Dreamscape.

Napanood na namin ang trailer ng Ikaw Lamang, casting pa lang ay napakalaking project ito. Pati make-up at costume ay ginastusan. Parang mainstream movie ang dating na nahabag kami sa eksena ni Zaijian Jaranilla bilang batang Coco na pinarusahan at pinagbintangang sinunog ang tubuhan. Kasama rin sa Ikaw Lamang sina Jake Cuenca,  Ronaldo Valdez, Cherie Gil, John Estrada, Tirso Cruz III, Daria Ramirez, Ronnie Lazaro, Spanky Manikan, Meryll Soriano, Lester Llansang, Cherry Pie Picache, at Angel Aquino.

Bravo kina Direk Malu Sevilla at Avel Sunpongco sa isang napakagandang teleserye na handog nila sa mga televiewer. Ganoon din sa Dreamscape ni Sir Deo Endrinal.

Bongga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …