Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May natitira pa bang bagsik sa kamao ni Pacman?

ANG isang malaking katanungan ngayon sa mundo ng boksing ay kung may natitira pang bagsik sa kamao ni Manny Pacquiao para magpatulog ng  isang kalaban?

Ito ang sumisiksik sa utak ng boxing fans sa kasalukuyan pagkatapos ng mahabang apat na taon na walang naipapakitang knockout win si Pacman.

Iyon ay pagkatapos na talunin niya si Miguel Cotto noong 2009.

Pagkaraan ng labang iyon ay puro desisyon na ang kanyang naging panalo.   At dagdag pa roon ang knockout loss kay Juan Manuel Marquez sa 6th round.  Plus yung kontrobersiyal niyang pagkatalo kay Tim Bradley.

Well, naipakita nga ni Pacquiao ang kanyang bilis at gilas nitong nakaraan niyang laban kay Brandon Rios nung nakaraang Nobyembre pero hindi kuntento ang fans.

Ang gusto nilang makita ay ang humihiga sa lona ang katunggali habang binibilangan ng reperi.

Maging si Bradley na makakaharap ni Pacman sa isang rematch sa darating na Abril ay nangangantiyaw na wala na ngang bagsik ang kamao ni Pacquiao.

At dito nagpakawala ng matinding “statement” si Pacman na aalisin na niya ang pagiging “Mr. Nice Guy image” sa ring.   Nangangako siyang ibabalik ang dating mabalasik na kamandag ng kanyang kamao.

Ang pahayag na iyon ay lalong ikinataas ng kilay ng mga miron.  Tiyak na aabangan nila ang resulta ng pangakong iyon ng dating tinanghal na hari ng pound-for-pound.

Maging tayo ay aabangan natin ang sinasabing pagbabalik ng bagsik ng kamao ni Pacman.

Ayon sa kampo ni Pacquiao, dadaan muli sa matinding training ang Pambansang Kamao.  At naniniwala si Buboy Fernandez na hindi nawawala ang bagsik ng suntok ng kanyang kababatang kampeon, medyo naaawa lang ito sa kanyang mga naging kalaban.

Ngayon, iyon ang tatanggalin nila sa ibabaw ng ring.

Nakatakdang dumating sa GenSan si trainer Freddie Roach sa susunod na linggo para sa unang bahagi ng training ni Pacman at lilipad sila sa March 15 para sa ituloy ang matinding ensayo sa Wild Card Gym sa Hollywood .

Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …