Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, ‘di raw nagbago kahit sikat na sikat na

ni  Maricris Valdez Nicasio

022214 wicked resto022214 wicked artists

NATUTUWA naman kami sa aming schoolmate/friend na si Ihman Esturco dahil mula sa pagiging character actor/manager, ngayo’y isa na siyang negosyante. Isang bar sa Paranaque City ang itinayo niya kasama ang iba pang mga kaibigan, ang Wicked Bar na magkakaroon ng grand opening sa February 26.

Bale nakabase na ngayon si Ihman sa America at umuuwi-uwi lamang siya ng ‘Pinas. Kaya ang kanyang kapatid na si Pinky ang mag-aasikaso at mamamahala ng Wicked Bar. Kasosyo naman ni Ihman sa Wicked Bar ang fashion designer na si Kim Gan na ang mga celebrity client ay sina Carmina Villarroel at Alice Dixson.

Napag-alaman naming sa pag-uwing ito ni Ihman ay nagkita sila agad ng  dating alaga at discovery na si Coco Martin at very proud siya sa tinatamasang kasikatan ngayon ng itinuturing ng Hari ng Teleserye. “Aba siyempre I feel proud!” sambit ni Ihman. “I mean no matter what, siyempre sa akin siya nanggaling, ‘yung tipong ganoon.”

At ang isa sa hinahangaan ni Ihman kay Coco ay never itong nagbago kahit sikat na sikat na. “Never! And siya ang nagbigay sa akin ng accommodation (one month hotel accommodation).”

Napag-alaman naming 13 or 14 years old pa lamang noon si Coco ay tinutulungan na niya ito. “Wala pang ‘Masahista’ noon (ang indie movie na naging daan para makilala si Coco). Noon pa man ay naniniwala  ako sa idea na alam kong may talent siya. Ipinaglaban ko ‘yun. Nakita ko ‘yung talent niya, kumbaga matagal na proseso pero sabi ko magtapos ka na muna ng pag-aaral, ‘yung tipong ganoon.

“And then after that, parang, alam mo ‘yun nagkaroon ka ng responsibility sa kanya, na kinakailangan i-launch ko ‘to, ‘yung tipong ganoon. So nakakuha ako ng producer, so ako ‘yung naging daan para gawin ‘yung ‘Masahista’ at si Brillante Mendoza ay kinuha ko to direct Coco because Danteis my friend,” kuwento pa ni Ihman.

Iginiit pa ni Ihman na sure siyang makikilala si Coco sa showbiz at magiging mahusay na artista, pero hindi niya inaa sahang sisikat ito ng todo, na para nga sa marami ay isa ng male Superstar.

“Ang sa akin lang ‘yun makagawa lang siya ng matinong pelikula, na maipagmamalaki niya, ‘yung tipong ganoon. Pero sabi ko, ‘basta ang importante, gawin mo ‘yung gusto mo’.”

At kahit sikat na sikat na si Coco, wala pa rin daw itong ipinagbago.

Ukol naman sa Wicked resto bar, sinabi ni Ihman na ito ang itinayo niyang negosyo dahil, “siguro dahil ‘yung pinanggalingan ko, I’m into theater so gusto ko ‘yung pure entertainment, ‘yung tipong ganoon. Tapos dapat lumabas kahit sino puwedeng pumasok, hindi lang siya parang comedy bar so dapat lahat puwede ninyong gawin.

“Actually sa akin ‘yung idea, pero siyempre may mga partner, collaboration.”

At ang Wicked Bar, ani Ihman ay, “Dapat wicked, dapat kinakailangan masaya, ‘yung tipong kumbaga naughty, ‘yung tipong ganoon, ‘di ba? Maganda ‘yung term na ‘yun, naughty.”

Ang Wicked bar daw ay inspired sa sikat na musical play na Wicked.

Kung ating pong matatandaan, naging artista si Coco sa pelikula ni Rosanna Roces, ang Ligaya ang Itawag Mo Sa Akin  at nag-handle rin siya ng iba pang talents bukod kay Coco.

At dahil pabalik-balik ng America at ‘Pinas si Ihman, ‘di pa niya alam kung mag-aartista pa siya.

Makikita sa Wicked Bar ang pure entertainment tulad ng stand-up comedians, fashion shows, impersonators, group dancers, bands, at sexy male and female ledge dancers. Ito ay matatagpuan sa #888 Ninoy Aquino Avenue, Bgy. San Dionisio, Parañaque City, with telephone # (02) 952-4315.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …