Friday , November 15 2024

Bagong estilo ng smugglers, sa laot pa lang nagkakaayusan na!

PARA sa kaalaman ni Bureau of Customs Commissioner Sunny Sevilla, hindi na raw po nakakarating sa mga daungan o pier ang mga kontrabando.

Alam na umano ng ilang matataas opisyal at tauhan ni Sevilla sa BoC ang paparating na kargamento habang nasa laot pa. Ang mga BoC officials na ito mismo ang nagbibigay ng suwestiyon at suggestions kung saang mga lugar puwedeng idaong o idiskarga ang mga epektos. Sa mga lugar na hindi “mainit” ang sitwasyon ika nga!

Usually doon sa mga lugar kung saan malapit ang mga warehouses na mismong minimintine ng mga opisyales ng Customs ito pinadadala.

Kaya naman imbes na magbayad ng tamang taxes ang mga smugglers ay sa mga dorobong opisyales na lamang ni Sevilla ibinibigay ang salapi at presto, may mga escorts pa ang mga damuhong smugglers sa pagta-transit ng kanilang parating.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit umaapaw ang mga imported na paninda diyan sa isang mall sa Binondo at mga bodega ng mga walanghiyang Instik sa Baclaran, Pasig at Quezon City.

Gaya na lamang ng bodegang ni-raid ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan sa boundary ng Paranaque at Pasay na pag-aari ng mag-partner na ERIK YAP at GEORGE UY at umano’y pinoproteksyunan ng isang taga-media na taga-pangulo ng isang media association.

Pangalawang beses nang sinalakay ng NBI ang mga bodega at tindahan ni Uy at Yap sa Baclaran. Modus ng mga ito na magparating ng mga pekeng branded shoes,bags mula China at ikalat sa mga merkado dito sa Metro Manila.

Ang media man na binansagang El Presidente ang tongpats at taga-salo sa bureau ng mga kontrabando nina Uyat Yap sakaling mahuli ngunit ayon sa sources natin sa NBI,”sunog” na rin si El Presidente sa mga taga-NBIdahil sa ginagawang pambubukol nito sa kanyang mga kontak na ahente.

Mahigit sa kalahating milyong piso umano ang binukol ni El Presidente sa mga taga-NBI noong unang ma-raid ang mga bodega nina Yap , Uy, at Sy  may halos isang taon na ngayon.

Going back sa mga bigtime smugglers ng Aduana,totoo bang sa isang agent alyas ABU-SADO na pumapasok ang “tara” na umaabot sa daan-daang milyong piso mula sa mga brokers at importers.

Si  agent ABUSADO umano ang nagpapakilala ngayong bagman ng isang mataas na opisyal ng BoC.

Sa main office ng BoC nakatarima itong si alyas agent “ABU-SADO “ at sinasabing “right connection” pagdating sa smuggling activities ng mga players ngayon sa BoC.

Isa sa mga istilo na ginagawa ng grupo ni ABUSADO ay ang “warehousing” na isang legal remedy para makaiwas sa pagbabayad ng taxes.

Una na nating ibinunyag sa kolum na ito ang modus operandi ng warehousing.

Ilang tauhan naman ng isang deputy commissioner ng BoC ang iniulat na direkta ring ipinangungulekta ng “tara” ng tarantadong  si agent ABU – SADO kapalit nag pagbubulag-bulagan sa mga epektos at kontrabando ng mga smugglers sa Customs.

Iniimbestigahan ngayon ang mga MICP entry T1274-4×40, T648-4×40, T297-4×40, T361-2×40, T409-1×40, T572-1×40, T236-4×40, T408-1×40, T545-1×40, at T649-4×40.

Ganun din ang “warehousing” modus na may entry numbers na W534 6×40, W515-4×40, W357-4×40, W1059-1×40, W1062-4×40. W1064-4z40 at W1076-4×40. Base pa sa intel report, isang alyas  ”JULIE” ang utak sa katarantaduhang ito.

Ito pa ang  listahan ng mga SMUGGLER: ‘Albert  Jardin, Jay-r Tolentino, Saulog  Brothers, Tina Yu-pak, Bebang Yu-pak, Gerry Yu-pak,  Manny Santos, Geri Teves,  Big Mama Castillo, Helen Tan, Dave  Kalbo, Ruby  Riga, Mary Zapata, Samy Gabison, Legalas  Brokerage, Joy  Zanches, Jimy  Tinio, Migs Santos, Daisy  Laurante, Jerry Laurente, Rose Ong, Nori Katipunan, Danny Ngo, Edwin   Sy, Girlie  ‘Clark Resources, Marivic Briones, Anthony  ‘Onion King’  Sy, Zeny  Dayahirang, Jojo ‘bigas’ Soliman,  Erick Yap, George  Uy,  Ben Sagupa, Bibit & Agnes No.1 Luxury Car  smuggler ng Cagayan de Oro at Gensan.

May kasunod, ABANGAN!

***

Makinig sa DWAD 1098 khz “ target on air’ Monday – Friday 2 – 3 PM, mag txt  sa  sumbong o reklamo 09167578424 /09196612670 mag email sa  [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *