Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panganganak ni Jolina, kumalat agad sa social networking sites

Ed de Leon

MUKHANG nagbalik ang excitement ng publiko sa panganganak noong isang araw ni Jolina Magdangal. Noong araw, iyang panganganak ng mga sikat na artista ay talagang hinahabol sa balita, at kahit na kung minsan ayaw na nga ng mga magulang na makunan ng picture ang kanilang anak, aba nagpipilit pa rin ang mga photographer, kasi nga hinahanap naman iyon ng mga tao.

Natatandaan nga namin noong araw, may isang movie magazine na napagtawanan pa, kasi inilagay nila sa cover ang supposed to be picture ng anak ng isang sikat na aktres, iyon pala maling bata naman ang itinuro ng lolo niyon. Baliw din iyong lolo eh. Pero magmula noon, hindi na napapansin maski iyang panganganak ng mga artista.

Kaya nga nagulat din kami nang manganak si Jolina, mabilis na kumalat iyon sa mga social networking site at mukhang talagang interesado ang mga taong malaman ang mga detalye. Ang dami ring “views” niyong mga lumabas na pictures ng anak ni Jolina. Palagay namin totoo naman iyon dahil maski na ang excited ding lolo na si Jun Magdangal, nag-post niyon.

Kung kami ang tatanungin, magandang signs iyan kasi ang ibig sabihin mukhang nagbabalik na naman ang interest ng fans sa buhay ng mga artistang hinahangaan nila. May panahon kasing dahil sa over exposure, dahil maya’t maya ay nakikita na rin sila sa telebisyon, ang feeling ng  fans ay nalalaman na nila ang lahat dahil nakikita na nga nila mismo ang mga artista araw at gabi, parang nawala na ang kanilang interest. Kasabihan nga ng mga kano, “familiarity breeds contempt”.

Pero ngayon unti-unti na ngang nagbabalik ang interest ng fans sa mga artista. Siguro nga dahil may mga sumikat na ulit nang husto kagaya ni Daniel Padilla. May mga pinag-usapan na naman kagaya ni Ser Chief. Ngayon nagbalik ang kanilang excitement nang manganak si Jolina. Good sign iyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …