Monday , December 23 2024

Convicted, accused, suspect sa kasong plunder biglang nagkakaroon ng malalang sakit (Karma o excuse …)

00 Bulabugin JSY

NAGTATAKA tayo kung bakit lahat ng mga nasasangkot sa kasong plunder (convicted na si Erap, akusadong si GMA at ngayon ay ang suspect na si Janet Lim Napoles) kapag nasa kulungan na ay biglang nagkakasakit?!

Naalala ko pa noon si Erap, mula sa pinagkakulungan nila ng anak na si Denggoy ‘este Jinggoy sa Fort Sto. Domingo ay nakagawa ng paraan ang kanyang mga abogado na mailipat siya V. Luna Hospital at later on sa kanyang newly renovated TANAY REST HOUSE dahil mayroon daw siyang malalang sakit sa tuhod.

Humingi pa siya ng ‘kompromiso’ sa gobyerno ni GMA na payagan siyang makapagpaopera sa Hong Kong na pinayagan naman.

Hindi lang ‘yan, nabigyan pa siya ng parole.

Onli in da Pilipins lang po ‘yan!

Convicted sa pandarambong pero nabigyan pa ng napakagarang pagkakataon.

Ngayon naman si GMA, kasalukuyang humaharap sa asunto ng gobyerno dahil sa plunder ‘e naka-HOSPITAL ARREST sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC) at humihingi ng pagkakataon na siya ay patawarin at makapagpiyansa dahil, “she’s very sick” daw.

And last but not the least, si Madame Janet Lim Napoles na nahaharap sa kasong serious illegal detention at pangunahing suspek sa P10-billion pork barrel scam, ngayon naman ay mayroon umanong ovarian tumor at kinakailangan daw isailalim sa operasyon.

Pwede naman daw pagbigyan pero pagkatapos siyang operahan ‘e ikakalaboso na siya sa regular na kulungan.

Hindi tuloy natin alam kung ang nangyayari sa kanila ay KARMA o ginagamit lang nila ang kanilang kalusugan para makawala sa kulungan na kinalalagyan nila ngayon.

Again, Onli in da Pilipins lang talaga.

Hindi katulad sa bansang Taiwan. Nang masentensiyahan ng 20-taon pagkabilanggo ang dating Presidente na si Chen Shui-bian, dahil sa corruption, doon siya ikinulong sa regular na kulungan. Nakulong din ang kanyang asawa, may sentensiyang dalawang taon, dalawang anak at manugang, may sentensiyang isang taon pero na-reduced sa anim na buwan nang sila ay mag-plead guilty sa kasong perjury at money laundering.

Ganyan kahusay magpatupad ng batas ang Taiwan.

Dito sa atin sa Pinas, sa umpisa lang tayo nagagalit, kapag nililitis na ‘yung mga mandarambong, unti-unti nang ‘lumalambot’ ang ating mga puso hanggang maging ‘mamon.’

Kapag nasentensiyahan na, naaawa pa tayo, kaya kapag nagpa-hospital arrest, pumapayag na tayo.

Bukod pa ‘yan sa maniobrahan sa mga opisyal ng gobyerno na ‘nakatikim’ ng mga probetso, konsesyon at kompromiso noong nanunungkulan pa ang mga naka-asunto.

Onli in da Pilipins lang talaga!

KIM HENARES TIYOPE VS CASINO FINANCIERS?!

KAPAG napapanood natin si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner KIM HENARES sa telebisyon parang nakahahanga ang kanyang mga posisyon at deklarasyon laban sa tax evaders.

Lalo na nang ‘habulin’ niya ang TAXES ni boxing champ Manny Pacquiao.

Pero sa realidad, parang hindi naman ganyan kaseryoso si Madam KIM.

Aba  ‘e matagal nang inirereklamo sa atin ng mga lehitimong taxpayers ang mga Casino financiers lalo na d’yan sa Resorts World Manila at Solaire Casino at gumawa na tayo ng paraan para maipaabot sa kanya ang mga TIP na ito pero mukhang ayaw aksyonan ni Madam KIM.

Gaya na lang ng isang JOSEPH ANG, ‘yung Chinese national na hinabol ng saksak ni JERRY SY sa Resorts World Manila, hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ‘yan sa ‘PAGLALABADA’ ng kwarta sa mga Casino natin.

Hindi natin alam kung bakit hindi man lang maimbestigahan ni Madam Kim ang kabuhayan ni Joseph Ang na masyadong namamayagpag dito sa bansa natin.

Humahakot ng pera natin ‘yang mga ‘yan at saka inilalabas sa ating bansa.

‘E kung labas nang labas ang kwarta natin, ano pa ang mangyayari sa atin?

Sa Solaire casino naman isang alias KRISTINE MANALO ang namamayagpag at yumaman sa pagpi-finance ng VIP players pero hindi nabubusisi ang kanyang ITR.

Madam Kim, please lang SUDSURIN mo ang mga tax evaders at money launderer d’yan sa malalaking Casino na nasa Pasay at Parañaque!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *