Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tiwala ng publiko Sa Customs bumabalik na

KUNG noong previous administration, dedma lang kadalsan ang ibinabatong malalaking information ukol sa smuggling at corrupt Bureau officials, ngayon binibigyan ng attention ng mataas na pamunuan.

Tulad na lang  nitong nahuling sampung bodega ng mga basura at may naka-smuggled na ukay-ukay at rice na may worth P1 billion. Seguro, ang mga ito was smuggled in from Canada last year, dahil iyon mga bodega na located sa Parañaque saksakan nang dami. Marahil malaki ang ibinayad sa mga responsable sa smuggling na ito, milyones. Karamihan kasi ay toxic waste mula sa mga hospital sa nasabing bansa.

Hindi naman na ito fresh news sa bansa. May ilang taon na ang nakakalipas may natiklo din mga toxic waste mula sa mga hospital sa Tokyo at ibinagsak sa MICP. Balita noon P50,000 bawat container van. Yes, there is big money in garbage. Mas Malaking ‘di hamak iyong nakuha sa Parañaque. Sino ang mga dapat managot?

Gaya nang nabanggit natin before, ang pagkahuli ng garbage ay resulta ng isang uri ng paghuhudas na nagmula sa sulutan ng  dalawang grupo. Pera syempre ang dahilan.

Mga bigas na nahuli sa ilang puerto sa bansa. Ito ay isa pang patunay na may tiwala ang taong bayan sa pamumuno ni Commissioner Sevilla. Bagamat mga bagito pa lang sila, nakikita naman sa kanila ang pagiging sincere at dedication sa trabaho. Tila wala sa kanilang dictionary ang salitang kotong. Tila umiiral ang No Take policy ng bagong pamunujan.

Hindi dapat sirain ng mga bagong hirang ang tiwala na ibinibigay ng publiko. Hindi raw tulad noon na hindi maipagkatiwla sa mga taga-Bureau ang hot information. Kasi takot sila na ibenta ito sa mga may-ari ng smuggled item.

Bagama’t short pa rin sina Commissioner Sevilla sa kanilang assigned target, ‘di hamak naman mataas ang kanila taxtake kaysa noong 2013 na panahon ni dating Commissioner Biazon ng 19 percent.

Sana ay panatililihin nila na paandarin ang mechanism laban sa corruption at smuggling. Dapat bantayan din nila ang  mga outports sa posibleng paggamit bilang dumping ports for smuggled items. Itong mga reporma na ipinaiiral ay okay, pero kailangan ay ipatupad nang mahigpit ang tariff code laban sa mga taga-assessment na may mga hawak na iba’t ibang value.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …