Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie nina Angel at Vhong, ‘di na itutuloy

ni  Reggee Bonoan

KOMPIRMADONG OUT na si Angel Locsin sa pelikula nila ni Vhong Navarro sa Star Cinema dahil sobrang busy daw ang aktres ngayon sa seryeng The Legal Wife.

Last year pa kasi dapat inumpisahan ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Angel at Vhong pero ang direktor na si Binibining Joyce Bernal naman ang naging busy dahil inuna niyang gawin ang 10,000 Hours entry ni Robin Padilla sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

At nang pumuwede na si direk Joyce ay si Vhong naman ang hindi na dahil sa nangyari sa kanila nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Puwede na si Vhong mag-shoot ngayong Marso at si Angel naman ang hindi na puwede dahil ngaragan na ang tapings ng The Legal Wife na ayon mismo sa taga-Star Cinema, ”hindi kakayanin ni Angel na pagsabayin ang tapings at shooting, baka naman wala ng maibigay ang lola mo.  At saka ayaw naman ding pumangit siya sa ‘Legal Wife’ at movie, ‘no?”

Hindi pa siguro panahon para magsama sa pelikula sina Angel at Vhong na pangarap pa naman ng aktres na makasama ang aktor dahil nga nagalingan siya nang magsama sila sa Toda Max.

Sitsit sa amin ng taga-Star Cinema ay si Jessy Mendiola raw ang pinapa-approve na leading lady ni Vhong dahil nga walang ginagawa ngayon ang aktres, “kailangan kasi totally free ang leading lady para hindi ngarag, since si Jessy, walang soap, so baka puwedeng siya na lang.”

Heto pa ateng Maricris na tsika sa amin, “nakatatawa nga, kasi nauna pang nabugbog si Vhong nina Cedric Lee sa condo, eh, may eksena talaga kaming bubugbugin si Vhong ng buong magdamag hanggang umaga. Baka isipin tuloy, ini-spoof namin ‘yung nangyari kina Vhong at Cedric.”

Eh, nakakaloka nga, anyway, at least hindi bago kay Vhong ang eksenang bubugbugin siya sa condo, ang bago lang siguro ay magdadala siya ng ‘foods’ ha, ha, ha, ha.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …