Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lakas ni Coco sa ratings, ‘di na kinukuwestiyon (Ilang beses na kasing nag number-one ang mga teleserye…)

ni  Reggee Bonoan

ANG Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu ang ipapalit sa Got To Believe na ayon sa fans ng KathNiel ay, “goodluck sa papalit na programa sa slot ng ‘G2B’ dahil alam naman nating delikado ang timeslot na ‘yan at ang makakatapat ay si Marian Rivera na hindi lang maka-ungos dahil sobrang lakas ng ‘G2B’.”

Para sa supporters ng KathNiel ay gusto lang naming ipaalala na serye ni Coco ang ipapalit at dati ng timeslot ng aktor ang iiwan ng Got To Believe na mas maaga pa nga rati dahil pagkatapos ito ng TV Patrol.

Hindi nga ba’t inabot halos ng isang taon ang Juan de la Cruz na ni minsan ay hindi naungusan ng mga katapat na programa ng TV5 at GMA 7?

Kaya sa mga nagtatanong ng kakayahan ni Coco pagdating sa ratings game ay hindi na dapat kinukuwestiyon dahil maraming beses na niya itong napatunayan na siya ang Hari ng Teleserye.

Eh, kasama pa si Kim na Prinsesa ng Teleserye at alam nating maraming supporters din ang aktres maski na hindi si Xian Lim ang kasama niya.

At siguro naman marami ring fans sina Jake Cuenca at Julia Montes na makatutulong din para abangan gabi-gabi ang Ikaw Lamang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …