
NAKIPAG-PARTNER kamakailan ang international rock star na si Arnel Pineda sa Puregold Price Club Inc. sa pamamagitan ng Arnel Pineda Foundation sa isang espesyal na gift-giving event sa mga indigent communities ng Marikina City at Laguna. Bahagi ito ng adbokasiya ni Arnel na ibahagi sa mga Pinoy ang mga biyayang patuloy na natatanggap. Si Arnel mismo ay galing sa matinding hirap bago siya sumikat sa buong mundo bilang pinakabagong lead singer ng iconic na American rock band na Journey. Inawit at Inirecord ni Arnel ang opisyal na theme song ng Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) ng Puregold na pinamagatang TENkyu Po na in line sa 10th anibersaryo ng TNAP noong nakaraang taon. Naghahanda ang TNAP sa 11th installment ng taunang sari-sari store owners convention nito na naka-schedule ngayong Mayo. Binuksan din kamakailan ng Puregold ang Puregold Terraces, ang unang branch ng chain of lifestyle stores sa Fairview, Quezon City. Sosyal at maganda ang hitsura ng Puregold Terraces at very high-end ang dating ng supermarket na ito ngunit taglay pa rin ang murang-murang presyo ng items ng Puregold na siyang nagpamahal sa Puregold sa milyon-milyong mga Filipino.
Check Also
Ai Ai delas Alas single na uli
I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL nang diborsyada si Ai Ai de las Alas sa asawang si Gerald Sibayan ayon sa …
Gil Cuerva nagsalita na: video paglabag sa kanyang privacy
RATED Rni Rommel Gonzales SIMPLE, diretso, at walang paligoy-ligoy ang official statement ni Gil Cuerva tungkol sa …
KimJe balik trabaho na
RATED Rni Rommel Gonzales ALIW na aliw ang netizens, kabilang na kami, sa mga video …
Derrick tinalikuran pagiging babaero
RATED Rni Rommel Gonzales KAPURI-PURI si Derrick Monasterio sa pagiging matapat nito. Sa recent guesting kasi nila ng …
Caprice napogian, kinilig kay Andres
MATABILni John Fontanilla MUKHANG hindi type ni PBB Collab 2.0 Big Winner Caprice Cayetano ang ipinapareha sa kanya ng …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com