Monday , December 23 2024

Naglalaway si Erap na maibenta sa SM ang Central Market

MULING ipinakita nang pinatalsik na pangulo at sentensiyadong mandarambong na si Joseph “Erap” Estrada na wala talaga siyang kinikilalang batas at kahit mali ay ipipilit kung pagkakakuwartahan din lang ang pag-uusapan.

Siya na nga ang wala sa tamang katuwiran, siya pa ang may ganang magalit nang ipaliwanag sa kanyang hindi uubra na isailalim ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa public-private partnership (PPP) program ng gobyerno sa SM Development Corp. ang Central Market sa Sta. Cruz, Manila, dahil ‘di naman ito pagmamay-ari ng city government.

Kung inyong matatandaan, kontrata rin ang puno’t dulo at sanhi kaya nagkahiwalay ng landas si Erap at si Mayor Alfredo Lim.

Noong 2008, pinipilit ni Erap si Mayor Lim na ibigay sa kaalyado niyang tsekwa ang kontrata ng basura sa Maynila.

Nagalit si Erap dahil hindi pumayag si Mayor Lim na basta na lang mapunta sa kanila ang kontrata sa paghakot ng basura nang hindi dumadaan sa public bidding at mga prosesong itinatadhana sa ilalim ng batas na kung tawagin ay procurement law.

Ang lupang kinatitirikan ng Central Market ay bahagi ng malawak na lupain ng Old Bilibid Compound na pagmamay-ari ng Home Guaranty Corporation (HGC) na nasa ilalim ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni Binay kay Erap na lahat ng aksiyon na may kaugnayan sa pagbebenta ng Old Bilibid Compound ay kailangang may masterplan, repasuhin ng Department of Finance (DOF) at dapat dumaan sa public bidding o subasta.

Sa madaling sabi, walang pakialam ang city hall sa lupa ng Central Market kaya wala ring karapatan si Erap na ibenta ang anomang pag-aari ng national government.

Pero ayaw kilalanin ni Erap ito kaya kahit magkatampuhan pa silang dalawa ni Binay, itutuloy niya ang plano dahil “hulog ng langit” daw ang alok ng SM sa modernisasyon ng Central Market.

“Merong master plan. Eh kako, Mr. Vice President kung aantayin ko yung master plan eh baka tapos na yung term ko, ‘di pa tapos ‘yung master plan na ‘yan. Anyway, pwede namang nakahiwalay ‘yung lupa ng Central Market. Baka pwede kakong phase to phase naman,” sabi ni Erap.

Kabado kaya si Erap na anomang oras ay maaaari nang lumabas ang desisyon ng Korte Suprema sa kinakaharap niyang disqualification case kaya nagmamadali siyang maplantasa ang kontrata at sinasamantala na ang pagkakataon upang magkamal ng salapi kahit labag sa batas?

Duda tayo, posibleng makalusot ang paglalaway ni Erap na kumita dahil may mga ulat na nalulugi ang HGC dahil sa umano’y “maling pamamahala” o mismanagement.

At kung lugi ang HGC, posibleng ang susunod na mababalitaan natin ay magbebenta sila ng mga aria-arian nila, gaya ng Old Bilibid Compound, kaya maaaring drama lang nina Erap at Binay ang “tampuhan” dahil sa isyu ng Cerntral Market para hindi mahalatang pareho silang makikinabang kapag natuloy ang transaksiyon sa SM.

Mismong si Erap ay inamin na maliban sa Central Market ay dalawang public market pa ang inaabangang “pagandahin” daw ng SM.

Kung may mga pagtutol o isyung legal na balakid sa pagnanasa ni Erap na pagkakitaan ang mga lupain ng bayan, hindi malayong matupok din ng sunog ang Central Market at 2 pang public market sa Maynila, gaya ng nangyari sa Agora Market at pamayanan ng mga maralita sa Barangay St. Joseph sa San Juan City.

Sabi rin ni Erap ay may mga investor na Singaporean daw ang interesadong maglagak ng P2-B para sa pagandahin ang Manila Zoo and Botanical Garden kaya nga ang elepanteng si Mali ay inilipat na sa Subic para bigyang daan ang renovation ng zoo.

Tiyak na sasakit ang ulo ng gobyerno kapag inulan ng asunto ng mga pribadong kompanya dahil lahat ng kontratang pinirmahan sa panahon ng isang defacto mayor ay walang bisa.

Kaya kuwidaw ang mga negosyante at investor na kinakausap ni Erap, na hindi malayong malugi na ay makasuhan pa. Dapat ay alam nila ang hangganan nang pagsasamantala sa ari-arian ng bayan.

“DEMOLITION JOB”

VS. RUBY TUASON

HILONG-TALILONG sa kaiikot sa malalaking media outlets at pakikipag-usap sa mga “kulamnista” at “kumain-tator” ang isang Willy F. para gibain ang kredibilidad ni Ruby Tuason.

Malaking halaga ang ibinayad ng mga sangkot sa P10-B plunder case para mawala bilang state witness si Tuason na itinuturing na direct evidence sa paglulustay sa kaban ng bayan.

Sa halip na ang batikusin ng mga “kumain-tarista” at “kulam-nista” ang mga opisyal ng pamahalaan na nagsabwatan para nakawan si Juan dela Cruz, ang kanilang binabatikos ay si Tuason na siyang nakasaksi sa anomalya.

Kunsabagay, mabuti na rin ‘yan para mabisto ng publiko kung sinu-sino ang mga bayaran sa media na nagtatanggol ng palihim sa mga mandarambong upang mawala na ang pagtangkilik sa palsipikado nilang adbokasiya na “para sa katotohanan.”

Isang Raymond B. na malapit sa isang dating senador ay kakosa rin daw ni Willy F. sa paglalako ng “demolition campaign” laban kay Tuason at ponente sa “damage control” ng mga mandarambong na mambabatas.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *