HINDI na dapat patagalin pa ang imbestigasyon sa reklamo na isinampa sa limang mataas na opisyales ng BoC police force sa South Harbor, Manila, sa pangongotong kuno sa isang nanalong bidder ng mga junk na kotse at SUVs.
Sa pinanumpaang salaysay ng nagrekla-mong bidder na sinuportahan naman ng dalwang testigo( peligrosong sumabit ang 5 kotong cops) ipinamamalas lang kung paano hinigpitan ng bagong pamunuan ng Bureau sa pangunguna ni Komisyoner Sevilla at ng kanyan masipag na deputy commissioner, Mr. Jessie Dellosa ng Intelligence at Mr. Ariel Nepomuceno ang mga da-ting ugali na dala ng rotten system sa customs.
Anyway,pinangalanan ng nagreklamon bidder si Mr. Lobertas na sinuportahan ng kanyang pinaka-associate at ng isang taga-Port of Manila auction division na employee Bobby Quiaoit. Investigation should proceed without delay kung ang reform na ipinaiiral ng bagong pamunuan ay agad-agad ipatutupad.
Isipin na lang na limang matataas na opisyales na pulis sa South Harbor ay isinabit sa kotong. Bawat isa sa kanila may kanya-kanya daw “budget na hiningi sa bidder na si Mr. Lobertas. Sa totoo lang nakahihiya sa madlang pipol. Pero dapat mabigyan din ang mga suspected kotongero ng due process.
Isipin na lang na lima baleng “checkpoints” ang humingi kuno ng kotong. Itong pinakahepe, P3000, ‘yung isang tenyente P4,000 (matinik ito), ang isang sergeant na inireklamo na babasagin ang mga wind shield na pinanalunan ng mga junk vehicles sa auction (arogante, abusado, ‘di po ba?) pero inabutan ng P1,000 basta lumayas na lang, marahil sa galit. May isang bagitong pulis aba’y humihirit na bawat unit daw ang kanilang tara (HINGI NA KOTONG) na muntik nang kinahimatay ng bidder.
Pagkatapos ng kalbaryo, tumakbo ang nagreklamo kay Commissioner at sa hepe ng mga inireklamong limang kotong cops, si Director Willie Tolentino. Tingnan nga natin kung ano ang gagawing action sa lima. Babantayan ng taong bayan ang inyong action, Direk Tolentino.
Bueno, ito naman nahuling mga garbage (basura) sa isang warehouse (balita may ten warehouses in all sa nasabing lugar sa Parañaque kamakailan na aabot daw sa P1 billion. Pero kung garbage bakit nagkakahalaga ng P1-billion? Mula raw sa Canada. Marahil may mga ukay ukay bukod sa mga basura.
Hindi na bago sa atin ang ganitong mga kalolokohan sa customs na mga sindikato sa loob ng bureau at mga ka-sabwat ang kanilang contct na may kilalang mga taga-hospital halimbawa sa Japan. May ilang taon na nang nakasabat ang mga taga-MICP ng mahiigit 100 container van na hospital waste, mga nakalalson talaga.
Ang raket ganito P50,000 bawat container ang ibinabayad basta ibarko papunta sa Pinas, misdeclared tulad marahil ng natiklong P11l-billion basura nina Commissioner Sevilla.
Ang balita rito, ang pinaka-broker nito ay isang ahente ng isang national investigation service na matagal nang nagbo-broker sa customs. “Untouchable” ‘ika nga dahil baka gumagawa ng perhuwisyo sa kapwa niya mandurugas sa customs.
Ito palang mga basura mula sa Canada ay hawak ng nasabing ahente, kaya sinulot siya ng isang “David Tan” (there are several David Tans in the customs na mga pawang player ). Marahil mas mababa ang singil sa principal from Canada. Sa galit daw isinumbong sa Office of the Commissioner. Patok na patok ang information. Galin umano sa isang information o hindi naniniwala na ngayon sa credibility ng bagong pamunuan. Isipin na lang na noon pang time dumating sa PINAS ang mga GARBAGHE na inimbak sa halos ten warehouses, meaning time ng Biazon administration. Hindi umamoy. Kataka- taka.Tutukan ninyo Commissioner ang mga basurang ‘yan.
Who Says there is no money in garbage?
Arnold Atadero