ni Pilar Mateo
IBANG klase ang think-tank ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, ha!Ang bilis nilang naka-isip ng magandang event for Valentine’s Day!
Dahil nga na-relocate na ang ilan nating mga kababayan sa itinayong mga bahay sa Bistekville sa Payatas, naisip ng mga supporter ni Bistek na pasayahin ang mga lolo’t lola sa nasabing lugar na sa halip na sila ang magpunta sa mga sing-along bar o kaya eh, hotels para manood ng mga Valentine show, ang entertainment na ang dinala sa kanila ni Mayor.
Kaya, kahit na mayroon na ring schedule si Mayor on that special day—mag-aanak sa kasal at iba pa, talagang nagbigay siya ng panahon para makasama sa pagtitipon sa nasabing komunidad. With matching catering, photo booth, ang pagpapasaya ng mga naanyayahang artists ang inabangan ng mga tao.
Courtesy of katotong Jobert (Sucaldito), pinatawa nina Le Chazz at AJ Tamiza ang mga manonood sa kanilang kakaibang klase ng pagpapatawa. Hinarana ni Jimmy Bondoc at ng kanyang gitara ang mga lolo’t lola. Ganoon din ang sorpresang inihatid ni Inang Willy Jones. Nagtilian ang mga kadalagahan, maski pa ang mga ilaw ng tahanan nang lumabas na si Michael Pangilinan. At sa finale ng nasabing show, ang divang si Dulce naman ang naghatid ng luha sa mga senior citizen sa rendition niya ng Maalaala Mo Kaya.
Ang laki naman ng pasasalamat ng mga taga-Bistekville sa ginawa ng kanilang butihing Mayor sa isang espesyal na gabi. Touched ang press na sumaksi sa nasabing event. Na kahit Araw ng mga Puso, naglaan din ng kanilang panahon para makadalaw sa Bistekville.
Nilibot namin ang nasabing komunidad. Impressed kami sa mga nasilip naming mga townhouse type na tirahan sa Bistekville. Happy and content ang mga naninirahan doon. Sana nga mas dumami pa ang mga ganitong relocation sites!
Para naman sa mga artist na nasimulan itong gawin, mauulit pa raw ito dahil ibang kasiyahan din ang nabigay sa kanila ng ginawa nilang pagpapasaya!
Jasmine, tigil muna sa pag-aaral, focus muna sa acting
Bukas, Martes, February 18, si Jasmine Curtis naman ang mapapanood sa TV5 originals kasama si Daniel Matsunaga sa Replacement Bride.
Cute ang love story nila na nagsimula sa isang honest mistake. Kasama rin sa nasabing made-for-TV movie sina Arci Munoz at Edgar Allan Guzman.
Ngayong nagsusunod-sunod ang proyekto ni Jasmine, tumigil muna raw siya sa pag-aaral dahil gusto niyang dito mag-focus.
Kung mayroon nga raw excited sa pagtatambal nila ni Daniel, na nagkakaisa rin ang press sa pagsasabing bagay sila, ‘yun eh ang Ate Anne niya na nakatrabaho na rin si Daniel sa isang pictorial in Brazil.
Kenkoy, Pinoy na Pinoy at madali raw kausap ang paglalarawan ni Jasmine sa kanyang leading man.
Kumusta naman ang nali-link sa kanya na si Sam Concepcion?
“We are very good friends. Si Ate (who turned 29) ang gusto kong mag-asawa! She’s of age na.”
Keri raw kaya niya kung siya naman ang maging Dyesebel ng TV5?
“Nasubukan ko na in ‘Pidol’s Wonderland’ na magsirena. Kaya lang, hindi talaga ako marunong lumangoy. Even if we grew up in Australia, malayo kami sa beach.”
So, iba na lang siguro.