Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 driver, 3 pa dedbol 45 sugatan (Bus vs bus sa CamSur)

NAGA CITY- Patay ang driver ng dalawang bus na nagbanggaan, gayondin ang konduktor at dalawa pa habang 45 ang sugatan sa Mambolo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Agad binawian ng buhay ang konduktor ng Elavil bus (EVP-903) na kinilalang si Orlando Olit. Habang si Elmer Bon, driver ng Elavil bus ay hindi na umabot nang buhay sa Mother Seton Hospital, gayondin ang kanyang pasahero na si Marvin Ablay. Patay rin sa insidente ang driver ng Antonina bus (TYL-144) na si Christopher Tripulco habang hindi pa naki-kilala ang isa pang biktima na pasahero rin ng Elavil bus.

Ayon kay PO3 Michael Moran, nabatid na nangyari ang insidente sa pagitan ng 12 am hanggang 1 am

Ang 45 pasahero mula sa nagsalpukang dalawang bus ay gina-gamot sa iba’t ibang pagamutan.

Ayon sa isa sa mga pasahero ng Elavil na si Ronnie Rosero, nakita niya mismo kung paano nagbanggaan ang dalawang sasakyan.

Mabilis aniya ang takbo ng kanilang sasakyan sa kahabaan ng kalsada nang biglang mag-overtake ang Antonina bus. Wala aniyang headlight ang Antonina bus kaya hindi ito napansin ng kanilang sinasakyang bus na nagresulta sa salpukan.

Inihayag ni PO2 Emiy Rose Organes, tagapag-salita ng PNP-Libmanan, head on collision ang naganap na insidente.

(DANG GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …