Monday , December 23 2024

“Mga ama, mga anak,” ni Nick Joaquin season ender ng tanghalang Pilipino (Tampok ang 2 Pambansang Alagad ng Sining)

“PUSO SA KAHON:” Pusong maiilap mahirap magkita/Hangga’t nakapiring ang kanilang mata/Kinapipiitang dibdib ay may kaba/Dahil pintig nito’y sadyang ibang iba.//Pusong maiilap hindi magtatagpo/Kung di pakikinggan ang tibok ng puso/Bulong nito’y hiyaw, hindi nagbibiro/Huwag mangangamba kahit na mapaso//Pusong maiilap di raw magkaugpong/Ngunit maaari pa ring magkadugtong/Kung magbibigayan ng pagkakataon/Ay makalalaya sa piitang kahon.//Pusong maiilap kapag nakalaya/Naghihintay ang di matingkalang tuwa/Habang maaga pa ampatin ang luha/Sa itinitibok ay magpaubaya.///HAPPY VALENTINE’S DAY! (Frank G. Rivera)

ARAW ng mga Puso,  ipinagdiriwang ng sanlibutan, na kung tutuusin ay ideya ng mga mangangalakal na nakitaan  na isang malaking negosyo kung taon-taon ipagdiriwang.

Para sa mga nag-iibigan, mag-iibigan at nag-iibigan, ipagdiwang natin ang Araw ng mga Puso sa isang makabuluhang paraan.

***

Natutuwa ako dahil nagbalik-tanghalan ang isa sa aking hinahangaang director, si Direk Joel Lamangan.

This time, hindi muna siya aarte sa ibabaw ng tanghalan kundi siya ang magdi-direk para sa 27th Season ng Tanghalang Pilipino, ang “Mga Ama, Mga Anak”, na isinalin sa Pilipino nina National Artist for Literature Virgilio Almario at Jose ‘Pete’ Lacaba, mula sa orihinal na akdang Ingles ni National Artist for Literature Nick Joaquin (RIP), “Fathers and Sons.”

Ayon sa Director’s Note, ang “Mga Ama, Mga Anak,” ay natatanging dula para kay Direk Joel, dahil ito ang kanyang kauna-unahang dula na nilabasan sa Raha Sulayman Theater ng PETA, na dinirehe ng namayapang National Artist for Film Lino Brocka.

“I played a role which I considered very significant and I made sure I prepared for it emotionally and physically, with full concentration and internalization. With the late co-actor Khryss Adalia, we were the two (2) handyman, who must come in at the end of the play, position ourselves on each side of the imaginary table, say one line each, and with one flowing synchronized movement prepare to axe the table before the lights go to full black out. We always get applauded for that. That’s the ending of the play.”

Hindi lang magaling na actor si direk Joel, isa siya sa mga director ng pelikulang lokal na nabigyan ng pagkilala ng halos lahat ng mga award-giving bodies. At di lamang sa lokal na senaryo siya kinikilala dahil ang kanyang “The Flor Contemplacion Story” ay nagkamit ng Best Actress Award para kay Nora Aunor sa Brussels International Filmfest.

Una kong namulatawan bilang stage director si direk Joel sa dulang “Mayo a-21…” ni Al Santos, itinanghal sa Dulaang UP, kalagitnaan ng dekada 70.

Balik tayo sa “Mga Ama, Mga Anak,” hindi lamang kuwento tungkol sa pagkawala ng kalesa nang pumasok ang jeepney sa Maynila at iba pang kaganapn noong maagang bahagi ng dekada 70, kundi ang unti-unting pagbabago ng kulturang Pinoy na apektado rin ang relasyon ng isang mag-anak, tuwing magkakaroon ng mga makabagong tuklas (inventions) partikular sa hanay ng siyensiya at teknolohiya.

Natatangi ang muling pagtatanghal ng “Mga Ama. Mga Anak,” na unang itinanghal ng Tanghalang Pilipino noong 1995, para sa kanilang 9th Season, dahil tampok ang mga bating aktor sa TV, pelikula at tanghalan, sa pangunguna ni Robert Arevalo, Nanding Josef, Celeste Legaspi, Spanky Manikan, Marco Viana, Cris Villonco, Jackie Lou Blanco, Peewee O’Hara, Banaue Miclat, Madeleine Nicolas at ang Actors Company ng Tanghalang Pilipino.

Kung  impresibo ang bumubuo ng casts, katuwang sa produksyon ang mga de-kalidad na staff sa pangunguna ni Monino Duque, bilang lighting design, Tuxqs Rotaquio, bilang production design at si TJ Ramos bilang sound design.

Ay, oo nga pala, impresibo ang pagkain na catered ng Kusina ni Kambal nina Delio at Irma San Miguel, nasa kanto ng Paz at Marcos Cruz, Sta. Elena, Marikina City.

(Naku, talagang nilantakan ni Ibarra Mateo ang pritong Tawilis kapares ang ensaladang mustasa.)

Itatanghal ang “Mga Ama, Mga Anak” sa Tanghalang Aurelio V. Tolentino (Little Theatre) sa Pebrero 21, 28 at Marso 7, ika-8 ng gabi; Pebrero 22, Marso 1 at 8, ika-3ng hapon at ika-8 ng gabi; Pebrero 23, Marso 2 at 9, ika-3 ng hapon.

Para sa dagdag impormasyon, tumawag sa 832-1125 local-1620/1621 o kontakin si Ms. Cherry Bong Edralin sa 0917-7500107.

ni  Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *