Monday , December 23 2024

Naniniwala ba kayo sa mga sinabi ni Ruby Tuason laban kina Sen. Jinggoy at JPE?

NADIIN nang husto kahapon sa pagdinig ng Senado sa P10-B pork barrel fund scam sina Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile (JPE) sa paglutang ng isang Ruby Tuason.

Si Tuason ay dating presidential social secretary ni ex-President Joseph “Erap” Estrada at kaibigan ng utak ng pork scam na si Janet Lim-Napoles.

Si Tuason ang naging daan para makorner ni Napoles ang multi-million pork barrel nina Jinggoy at JPE at iba pang mambabatas na kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman.

Sa mga sinabi ni Tuason sa senate hearing, nagpatibay ito sa mga naging salaysay ng whistleblowers sa scam na sina Benhur Luy, Marina Sula, Merlina Sunas at Gertrudes Luy.

Nadiin nang husto sina Jinggoy at JPE. At tila “no way out” na sila sa kasong plunder.

Kayo, sa damdamin ninyo, kung napakinggan n’yo kahapon ang live coverage ng media sa senate hearing, naniniwala ba kayo sa mga ikinuwento ni Tuason laban kina Jinggoy at JPE na personal siyang nag-deliver ng milyones na kickback sa kanilang pinadaloy na pork barrel sa mga pekeng foundations ni Napoles? At kumikita siya sa komisyon na 5% mula kay Napoles.

Text n’yo nga ako ng damdamin n’yo…

Tamang itigil na

ang pork barrel

sa mga mambabatas

Sa mga ibinulgar ng whistleblowers at mga ikinuwento kahapon ni Ruby Tuason sa senate hearing tungkol sa kanyang nalalaman sa P10-B pork barrel fund scam, tama ang naging desisyon ng Korte Suprema na sabihing ilegal ang pork barrel at dapat na itong itigil.

Oo, itigil na ang pork barrel. Dahil ‘ugat lang ito ng korupsyon,’ sabi ni dating Senador at dating Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Si Lim ang unang senador na hindi tumanggap ng pork barrel. Gumaya lamang sa kanya sina ex-senators Joker Arroyo at Ping Lacson.

Kaya suportahan natin ang desisyon ng Korte Suprema. No more pork barrel. Ang mga proyekto ay idaan sa  implementing agency, ayon sa requested projects ng mga kongresista, gobernador o mayor.

Ang mga mambabatas ay tumutok na lang sa paggawa o pagbalangkas ng mga batas. That’s it!

Reklamo sa ‘cash

for work’  sa Brgy. Lanawan, Pastrana, Leyte

– Mr. Venancio, report ko lang po dito sa aming lugar sa Brgy. Lanawan, Pastrana, Leyte ay may ‘cash for work’ program para raw kaming mga residente na biktima ni Yolanda ay magkaroon ng income, ang problema po ay pawang mga kamag-anak lamang ni Brgy. Chairman Rogelio Empillo ang nakapagtrabaho. Nang magreklamo kami ay sinabi niyang magkakaroon ng relibo, every week po ay magpapalit daw ng trabahador para lahat at makapag-work. Sinungaling po ang kapitan namin dahil almost 1 month na ay wala pang relibo nangyayari. Pls don’t publish my number. – Concerned citizen

Naglipanang mandurukot

at snatchers

sa Avenida at Recto

– Mr. Venancio, report ko ang grabe nang pandurukot at snatching dito sa Avenida, Doroteo Jose corner C.M Recto at holdap naman sa ilalim ng MRT-Recto Station. Matagal na po wala police visibility rito. Sana maaksiyunan ito at mahuli ang mga masasamang-loob dito. Kawawa kasi ang mga nabibiktima nila. Salamat. – 0926767….

Shabuhan sa Tagaytay st.,

Quezon City

– Mr. Venancio, report ko po dito sa Tagaytay st., Quezon City, sa Barangay San Jose, talamak na po ang bentahan ng shabu dito nina Omar, Ronald alyas “Gob” at Barog. Kaya po ako nag-report ay dahil sa anak ko na natoto nang gumamit ng shabu at para rin sa ibang kabataan na binebentahan nila ng shabu dito. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. Sana maaksiyunan agad ito. Salamat. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *