Monday , December 23 2024

Snappy salute para sa QCPD!

ANO!? Quezon City Police District (QCPD) na naman ang nakita!?

Teka, wala na bang ibang police district sa Metro Manila? Nand’yan naman ang Western Police District (WPD), Northern Police District (NPD), Southern Police District (SPD) at Eastern Police District (EPD).

Ano kaya ang ibig sabihin nito – ang taon-taon na lamang ang QCPD ang nakikita ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na parangalan?

Ibig bang sabihin nito ay mahihinang klase ang ibang police district? Kung mahinang klase nga, isa lang ang ibig sabihin nito. Ano!?

Mahinang klase ba ang mga nakaupong District Director dito? Hindi naman siguro.

Pero ano pa man mga suki, kayo na ang bahalang humusga. Kasi naman, kung talagang magagaling sana ang mga DD dito, marahil ay hindi lang ang QCPD ang nakitang maayos o pararangalan na naman kundi marahil ay lahat ng distrito.

Kaso nga hindi e. So, buwagin na iyan ang iba’t ibang distrito. Gano’n ba iyon!?  Huwag naman kundi, ang dapat ay pagpapalitan na ang mga nakaupong DD sa ibang distrito na tila ang alam lang yata ang maghintay ng intel …oo intelligence report hinggil sa malalaking sindikato sa area of responsibility nila. Sana nga iyon ang kanilang hinihintay na intel at hindi ang intel-hensya.

Tama! Ha ha ha …oo tama. Diyan lang kasi magaling ang ibang DD.

Heto nga, kamakalawa ay ipinagdiwang ng NCRPO ang kanilang ika-23 anibersaryo. Bahagi ng anibersaryo ay ang taunang pagbibigay ng parangal sa best police district.

Madalas itong iniuuwi ng QCPD. Taong 2008 nagsimulang taunang hinahakot ng QCPD ang best police district. Deretso iyan hanggang ngayon.

Lamang ang pagkakaiba ngayon ay hindi na parangal na best police district ang ginawang pagkilala sa QCPD na pinamumunuan ngayon ni Chief Supt. Richard Albano.

Oo simula nang laging QCPD ang nag-uuwi ng best police district, tinanggal na itong klaseng award dahil wala na raw iba kasing makakukuha nito kundi ang QCPD. Ngayon ang ginawa na ay regional competition para sa best of the best.

Hayun, dahil nga sa tinanggal na ang best police district award ay kinilala na lamang ang mga trabaho ng QCPD sa ilalim ni Gen. Albano, sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang plaque of appreciation.

Sa ginanap na anibersaryo sa Camp Bagong Diwa kinilala ni Napolcom – NCR Regional Director Dr. Yolanda S. Lira, guest of honor at speaker sa okasyon, ang QCPD dahil sa estratehiya nito laban sa kriminalidad sa kanilang AOR para sa mamamayan ng Kyusi. Bukod dito, napanatili din ng QCPD ang magandang relasyon sa publiko kaya sila’y pinagkakatiwalaan na ang bunga’y nakikiisa ang publiko sa kampanya ni Gen. Albano para mapadaling malutas ang mga krimen sa lungsod bukod sa pagsawata.

“For garnering the highest positive score among the five (5) police districts in the public perception survey of the police in Metro Manila conducted by the NAPOLCOM-NCR on December 9-16, 2013 in eighteen (18) focused areas considered crime-prone, QCPD scored the highest in public acceptance and respect; public response and accessibility; life-style, moral and ethics; public reporting of crime and perceived level of public safety,” pahayag ni Lira sa kanyang talumpati.

Makaraan, hindi naman nakalilimot si Gen. Albano, aniya’y hindi makamtam ng QCPD ang parangal kung hindi sa pakikiisa sa kanila ng publiko.

“I owe it to the public for embracing QCPD’s anti-crime initiatives such as his launching of the Anti-Motorcycle Riding Criminals and Ugnayan sa Barangay which ultimately became a force-multiplier of the Police District in reporting crime incidence.  The crime solution became easier because of the public’s cooperation resulting in the expeditious arrest and eventual filing of criminal cases against the perpetrators,” pahayag ni Gen. Albano.

Siyempre, pinasalamatan din ni Gen. Albano ang kanyang mga opisyal at tauhan sa pagsuporta sa lahat ng ikabubuti ng QCPD para sa publiko.

O paano iyan mga ibang police district, hindi na ba kayo nahihiya! Pitong taon nang QCPD na lamang ang laging nag-uuwi ng ganitong klaseng parangal.

Gen. Albano, sampu ng mga opisyal at tauhan mong dugo’t pawis ang puhunan para sa bayan. Isang snappy salute para sa inyong lahat!

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *