Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nilargahan ng hindi pa nakahanda

Nagkaroon na naman ng hindi inaasahang pangyayari sa largahan o sa loob ng aparato (starting gate) nung isang hapon sa pista ng SLLP sa Carmona, Cavite. Iyan ay naganap sa ikapitong karera na paratingan pa naman sa unang set ng WTA event at panimula ng 2nd Pick-6 event. Mula sa likod ng aparato ay huling ipinasok ang pangalawang paborito na si Dinagyang na sinakyan ng Christian M. Pilapil. Pagkapasok sa kanyang stall ay dumamba at naging malikot ang nasabing kalahok. Narinig din sa audio ng tv monitor ang ingay at mga sinasabi ng mga tao habang nasa loob ng gate. Umaabot sa halos tatlong pakiusap si Christian na saglit lang at huwag munang largahan dahil bukod sa nagloloko pa si kabayo ay hindi pa siya nakasakay. Laking gulat na lamang ng mga nanonood na biglang largahan ng hindi pa nakasahanda si Christian sa ibabaw ni Dinagyang, kaya bukod sa naiwan ay kamuntik pang mauntog sa bakal dumamba at pagkalapag sa pista ay kitang-kita na hindi pa nakasuksok o nakatapak ang kanang paa sa estribo ni hinete. Sa puntong iyan ay iba-‘t-ibang reaksiyon at komentaryo kaagad ang narinig sa OTB, lalong-lalo na iyong mga nakataya kay Dinagyang. At hanggang kahapon ay naging usapin pa ang nangyaring iyan. Maaaring mapanood ang replay ng karerang iyan sa youtube, i-search lang ang “MJCI-020914-R07”. Sa pagkakataong ito ay tinatawagan kong pansin ang tanggapan ng PHILRACOM na paki rebisa ang insidente at makausap na rin ang largador kasama ang starting boy upang mabigyang halaga naman ang mga BK’s, gayon din ang may-ari na si Ginoong Wilbert T.Tan na namumuhunan kay Dinagyang. Maraming salamat po. Von Voyage kay Sir Edgar Dizon sa kanyang pagbiyahe bukas patungo sa ibang bansa, ingat na rin sa inyong paglalakbay.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …