Monday , December 23 2024

1st M2B 250KM, successful! at LTFRB, kailan titino?!

NAKALULUNGKOT ang nangyari sa mga kababayan natin kamailan sa kabundukan ng Bondoc, Mountain Province.

Katorse katao ang namatay nang mahulog ang kanilang sinasakyang Florida bus sa bangin.Marami rin ang sugatan sa aksidente.

Aksidente ang nangyari at walang may kagustuhan nito subalit puwede sanang maiwasan ito kung napaghandaan ang lahat ng pamunuan ng Floridad.

Sa imbestigasyon ng LTFRB, ang bus na sinakyan ng mga biktima ay kuwestiyonable dahil ang plakang nakakabit ay para sa mini-bus na pag-aari naman ng ibang bus company. Naloko na!

Kaya kung hindi sana nangyari itong ‘kabitan’ ng plaka naiwasan sana ang sakuna. Naiwasan ito dahil una’y hindi makabibiyahe ang bus.

Maraming anggulo pa ang tinitingnan ng LTFRB kung saan ba nagkulang ang Florida. Inaalam kung human or machine error. Sinasabi kasi ng driver na nawalan daw ito ng preno.

Pero ano pa man, human o machine error iyan, naiwasan sana ang sakuna kung hindi ibiniyahe ang bus – bus na pilit ibiniyahe. Pinilit, kasi nga po ‘illegal’ ang plaka nito.

Subalit kung susuriin, ang Florida lang baa ng dapat sisihin? Hindi! Bagamat malaki ang pananagutan ng bus operator. Kunsabagay, hindi naman daw pinapabayaan ng Florida ang mga biktima. Dapat lang ano!

Pero hindi po ba nangyari ito dahil din sa ‘katamaran’ ng LTFRB. Hindi n’yo ba naobserbahan, laging huli ang LTFRB sa pagkilos. Kung hindi pa nangyari ang aksidente ay hindi sila kikilos o hindi nila natuklasan ang kabitan ng ibang plaka sa bus.

Hindi na talaga nagtanda ang LTFRB. Ilang beses na ang mga sakuna sa lansangan  pero hanggang ngayon, ang estilo nilang bulok ang kanila pa rin ipinaiiral – kikilos kapag may nangyari.

Kaya, kung naging masipag lang sana ang LTFRB, marahil ay naiwasan ang Florida incident.

Huwag nang magsisihan, aksidente ang lahat pero sana ay magtanda na ang LTFRB.

***

Naging matagumpay ang 1st Manila to Baguio 250 kilometers ultramarathon na ginanap noong Pebrero 7 – 9, 2014. Hindi lamang na matagumpay ang torneo kundi dahil walang nangyaring masama sa 42 ultra runners na lumahok dito maging ang kani-kanilang support group.

Nitong Linggo natapos ang tatlong araw na kauna-unahang pinakamahabang patakbo sa bansa sa bahagi ng Luzon, na inorganisa ng ama ng Philippine ultra marathon na si Army Maj. Gen. Jovenal “Jovie” Narcise na siya rin founder ng Philippine Association of  Ultramarathon (PAU).

Sa huling araw ng patakbo na nag-umpisa sa Urdaneta City (Pangasinan) at natapos sa Baguio City (70 kilometers), nagawang panatilihin ni Jaylord Ballao ang kanyang puwestong first place na nasungkit niya sa una’t ikalawang araw ng patakbo.

Sa unang araw, Pebrero 7  – 90 kilometers, Luneta hanggang Mabalacat, Pampanga, si Ballao ang nanalo sa oras na 10:21:23  mas maaga sa 5:30 oras (plus) sa cut off time na 16 hours.

Sa ikalawang araw, Pebrero 8 – 90 km, Mabalacat hanggang Urdaneta, nagawang hawakan ni Ballao ang kanyang puwesto na sinubukan namang sungkiting nina Jael Wenceslao; Lao Ogerio; Totoy Graciano at Alfredo Delos Reyes. Napanatili ni Ballao ang kanyang puwesto sa oras na 10:51:21 mas maaga ng 4 oras (plus) uli sa cut off time na 16 hours.

Sa ginaganap na awarding ceremony para sa overall winners sa Rizal’s Park, Baguio City, itinanghal na kampeon si Ballao (oras – 30:26:51); first runner-up, Jael Wenceslao (33:01:41); second runner –up Alfred Delos Reyes, 34:03;12.

Sa 42 runners na umalis sa Luneta noong Biyernes, 24 lamang ang nakatapos.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *