Friday , November 22 2024

ERC chair Ducut kanino nanghihiram ng kapal ng mukha?

00 Bulabugin JSY

NANGUNGUNYAPIT kahit hinihila na paibaba mismo ng kanyang kapabayaan si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Zenaida Ducut.

Pinaninindigan ni Ducut na hindi siya magbibitiw sa kanyang pwesto kahit sandamakmak na ang nananawagan na magbitiw dahil sa sunod-sunod at hindi mapigil na pagtataas ng power rate.

Ipinagdidiinan ni Ducut na ang reputasyon at propesyonalismo ng ERC organization ang nakataya dito kaya hindi niya iiwanan ang kanyang mga tao kundi aakayin niya umano kung nasaan ang tama at kung ano ang nararapat.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Ducut ay kabilang sa mga ‘blue  ladies’ ni dating Pangulong GMA kasama ang iba pa na si dating Rep. Amelita Villarosa, na nagtalunan sa ibang ‘banka’ nang maramdaman nilang palubog na ang barko ng dating Pangulo.

Sa loob ng kanyang limang taon bilang ERC head, sinabi ni Ducut na naitransporma niya ang ERC sa  isang bukas at competitive electricity sector.

Nitong  Enero 23,  naghain ng reklamo sina Akbayan Representatives Walden Bello and Barry Gutierrez, sa Office of the President para tanggalin siya sa kanyang pwesto dahil sa “gross neglect of duty and incompetence in protecting the interest of the power consumers.”

Pero hanggang gayon ay KAPIT-TUKO pa rin sa kanyang pwesto si Ducut gayong malaki na ang napeperhuwisyo sa sambayanang Pinoy.

Pinasalamatan pa ni Ducut si Pangulong Noynoy dahil mabuti raw at hindi naniwala sa mga paninira laban sa kanya.

Hay naku. Ms. Ducut, hindi ka naman kailangan siraan pa dahil ramdam na ramdam ng sambayanan na malaki ang kapabayaan mo bilang ERB chairperson na pinakinabangan ng malalaking kompanya ng power supply.

Talaga bang makapal ang ilong este ang mukha mo at hindi ka na lang magkusang mag-resign?!

Ibang klase ka Ms. Ducut!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *