Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglilitis sa kasong isinampa ni Vhong, dapat madaliin

ni  Ambet Nabus

DAPAT talaga ay madaliin na ang paglilitis sa mga kasong isinampa ni papa Vhong Navarro dahil the longer na idine-delay ng mga abogado ng mga inakusahan (at nag-akusa rin) ng aktor-host gaya nina Deniece Cornejo at Cedric Lee, aba’y the more na sumisikat lang sila. ‘Yun nga lang, sa super negative na paraan.

Sa mga panayam ni Deniece ay lalo lang niyang ginawang “tanga” ang kanyang sarili at sa pagsunod niya sa kanyang abogadong halatang nag-eenjoy sa media value na nakukuha niya, lalo lang nilang inilulubog ang mga sarili sa balon ng kasingungalingan.

Bongga ang ABS-CBN ha dahil simula sa mga maliliit na detalye hanggang sa maseselan ay nagagawa nilang iprisinta ng napagsasalita ang magkabilang panig. Imagine, ultimo expert sa body language and facial expressions ay nakunan nila ng opinyon, short of saying na nakamit na in a way ni papa Vhong ang justice.

Pero of course the best justice para sa ating lahat na naniniwala at sumusuporta sa aktor-host ay ‘yung makita nating naparusahan at nakakulong ang mga gaya nina Cedric at Deniece at mga kasamahan nila, kahit pa sabihing mga milyonaryo at maimpluwensiya sila.

That’s My POGAY,  click na click

IN na in din ngayon ang That’s My POGAY ng It’s Showtime.

Kuwela ang bagong gimik ng programa dahil kung may mga macho acting tayong nagustuhan sa That’s My Tomboy, sa POGAY ay marami talagang mga guwapo at panghihinayangan mo hahaha!

Kahit nga ang mga hurado ay nagtatanong na rin kung tunay ba silang mga bading o umaarte lang para makasali sa show? But as the show’s staff confirmed, “dumaan po sila sa butas ng karayom at may mga gay radar people kami na umaamoy at kumikilatis.”

Though may nakalusot nga raw na kalahok na ‘beterano’ na palang mag-pose sa mga gay social media sites (read: nude models kung sobra na ‘yung porno hihihi!), dinodoble na raw ngayon ng mga namamahala sa audition ang pag-iingat.

“Aware kami na may mga poseurs o mga gay-acting. ‘Yung iba nga kunwari pang nagdadala ng ka-relasyon kuno nila. Pero nabubuking din talaga namin,” hirit pa ng mga kausap namin.

Lagi na ring nag-ti-trending ang naturang portion kaya’t very soon ay malalaman daw natin kung keri nitong lampasan ang success ng That’s My Tomboy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …