Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vince Vargas at Glaiza Sarmiento, Mr. & Ms. Hotel Sogo Ambassadors

ni  Pilar Mateo

SA ginanap na pagpili ng mga itinanghal na Mr. & Ms. Hotel Sogo Ambassadors sa Elements in Centris, nagkaroon kami ng pagkakataong makausap ang chief operating officer nito na si Gus Corpus.

Isang tanong namin sa kanya eh, kung wala bang plano ang Sogo Hotels niya na magkaroon ng celebrity endorsers.

“That would be a great idea. But with what we’ve started now with the search, siguro matatagalan bago kami kumuha ng celebrity endorsers. Hindi sa ayaw namin. Pero we have decided to make the search a yearly thing in line na rin sa advocacies ng mga nagiging kalahok na nagiging partner ang Sogo Hotels. At ang mga mananalo naman ang siya ring magdadala ng pangalan ng Sogo Hotels sa kanilang advocacies.”

Walong babae at anim na lalaki ang naglaban para sa titulong Mr. & Ms. Hotel Sogo Ambassadors.

At ang pinalad sa titulo ay sina Vince Vargas (14) at Glaiza Sarmiento (8).

Ang tanong na natapat kay Vince ay kung alin ang pipiliin niya—being smart o being sexy. At ang pagiging smart ang pinili ng kandidatong ang ambisyon ay maging isang registered Nurse ( and he’s a Red Cross volunteer) at maging successful na businessman.

Kay Glaiza naman, ang tanong sa kanya ay kung sino ang pinaka-maimpluwensiyang tao sa buhay niya? Walang iba raw ‘yun kundi ang kanyang butihing ina. Leadership by example at ang pagiging malapit sa Panginoon. Pangarap naman niya ang maging Psychiatrist at makapagpatayo ng eskuwelahan para sa mga special children o children with special needs at ang pagsilbihan sila with her unconditional love.

Kaakibat ng Sogo Hotels ang Gandang Ricky Reyes na siya ring nagbigay ng mga premyo sa iba pang nagsipagwagi sa naturang search.

Ang Ist runner up ay sina Paul Andrew Belmonte (10) and Zandra Ramos (7); 2nd runner upRendon Labador (11) and Avi Karlyn Pascual (6) and 3rd runner-up Reamark Reduccion(13) and Bernadette Melissa Paez (5).

Kabilang sa mga special award ang Gandang Ricky Reyes na ang nanalo ay si Avi Pascual, Gwapong Ricky Reyes si Paul Andrew Belmonte; Mr. Congeniality Paul Andrew Belmonte; and Ms Photogenic Bernadette Paez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …