Friday , November 15 2024

PSC, POC officials, sinabon sa senado (Dalawang Sonny sa Senate kumasa vs Uncle Peping)

00 Bulabugin JSY

HINAHANGAAN natin ang diwa ng pagkamakabayan at ang katapangan ng dalawang ‘SONNY’ sa Senado.

Unang-una na si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na nagdeklara at tahasang inakusahan si Philippines Olympic Committee (POC) President Jose “Peping” Cojuangco, Jr., na ibinubulsa umano ang pondo at  mayayamang atleta lamang ang pinapaboran.

Kinasahan at sinabon naman ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay sa sinasabing kapabayaan kaya napag-iiwanan ang mga atleta ng Filipinas.

Sa pagdinig ng Senate committee on games and amusement, uminit ang ulo ni Committee Chairman Sen. Angara dahil hindi maipaliwanag ng POC kung bakit tinanggal sa delegasyon sa SEA Games noong nakaraang taon ang Dragon boat team.

Lalong nanggalaiti si Angara nang ikatwiran ni POC Executive Director Cynthia Carrion na hindi nila isinali ang Dragon boat team dahil inakala nilang hindi kayang talunin ng team mula sa Filipinas ang Myanmar.

Ganoon?! ‘E ‘di ba nga, napatunayan na ang kakayahan ng Dragon boat team at katunayan, defending champion sila nang magwagi sa SEA Games noong 2011?!

Ano ba ang katotohanan sa likod ng pang-aaway umano ni Uncle Peping sa pinuno ng Dragon boat team kaya tinanggal ang grupo sa SEA Games.

Tsk tsk tsk …

Kaya tuluyan nang nababansot ang mga atleta natin dahil sa totoo lang, walang diwa ng nasyonalismo ang mga sumidindikato ‘este humahawak sa POC at sa PSC.

Ang pagwagayway ng bandilang Filipino sa mga sports competition lalo na sa Olympic at SEA Games ay pagpapatunay na ang ating bansa ay may malakas na suporta sa mga kabataan na kumakatawan sa mga bagong henerasyon.

Si Nelson Mandela ng South Africa ay isang football player, boxer at nasyonalistang atleta ng South Africa.

Hindi lang siya pinuri ng kanyang bansa nang sa loob ng mahabang panahon ay pinagtiisan niyang makulong pero hindi isinuko ang ipinaglalabang kalayaan ng kanyang lahi mula sa pagiging alipin sa lahing puti.

Maging ang mga lahing umapi sa kanilang lahi ay yumuko sa katatagan ni Mandela.

Ang ibig ko pong sabihin, ang isang lider mula sa hanay ng mga atletang makabayan gaya ni Mandela ay napatunayang isang tunay na lider ng bansa.

Hindi malayo na kung ating mapauunlad ang sektor ng mga atleta ay magluluwal tayo ng mga bagong lider na hindi ‘haling’ o ‘baliw’ sa bulok na politika kundi sa siyentipikong pagpapaunlad sa kabuuan ng isang nilalang.

Naniniwala ako na may ganyang pananaw na tinataglay ang dalawang ‘SONNY’ sa Senado.

Panahon na para patalsikin ang mga ‘NABUBULOK’ sa PSC at POC at tuluyang iangat ang sector ng mga atleta sa bansa.

Mr. President, did we hear that you’re going to audit and fire your own uncle?!

Matutuwa ang sambayanang Pinoy lalo na ang ating mga atleta kung mangyayari ‘yan.

Markahan mo ang administrasyon mo Pangulong Noynoy bago ito matapos sa 2016!

BUTI PA SA AIRPORT MARAMING HONESTO

NAKAKA-MISS talaga ang panahon na maraming ‘HONESTO’ sa ating lahi.

Mabuti na lamang at madalas tayong nakatatagpo ng mga katulad ni ‘HONESTO’ sa mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya at kompanya na nakabase d’yan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang pinakahuli nga ay si cart retriever Jony Villon na hindi nag-imbot o nagdalawang-isip para isoli ang $4,800 o mahigit P210,000 sa tunay na may-ari nito.

Totoong mahigpit ang pangangailangan ni Villon pero buong-buo ang kanyang desisyon na isuko sa mga awtoridad ang nasabing salapi.

Natagpuan ni Villon ang isang blue transparent envelope sa baggage cart na naiwan ng isang overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay Villon, minsan din siyang naging OFW sa Israel kaya alam niya ang damdamin ng may-ari kung hindi na niya makikita ang salaping ilang panahon niyang pinaghirapan bunuin sa ibang bansa.

Hindi naman nagkamali ng desisyon si Villon dahil bumuhos ang biyaya sa kanya.

Hindi rin mailarawan ang kasiyahan ng OFW na si Cristina Alcaraz Rosal nang maibalik sa kanya ang nawawalang envelope.

Mabuhay ka JONY VILLON!

Sana ay makonsensiya sa iyo ang mga magnanakaw sa gobyerno at nawa’y tularan ka ng iba pang empleyado sa Airport.

Kay MIAA GM Bodet Honrado, salamat sa pagkilala mo sa mabuting gawain ng ating mga kababayan.

At sa iyo JONY, nawa’y patuloy na dumami ang lahi mo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *