Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Mission Accomplished’ sa Port of Cebu under Gen. Almadin!‘

PINATUNAYAN ni retired military general Roberto T. Almadin na siyang hinirang na district collector sa Port of Cebu ng “Purisima faction” ng administrasyong Noynoy Aquino ang kanyang tikas nang malampasan ang assigned collection target nitong nakaraang buwan ng Enero. Batay sa cash collection report ni kaibigang Radi Abarintos, hepe ng Collection Division at itinalaga ni Gen. Almadin bilang pansamantalang hepe rin ng Assessment Division, PUMALO ang January 2014 collection ng kabuuang P1,051,361,169.25 sa harap ng nakatokang target na P997,705,000.00.

IBIG SABIHIN ay merong P53,678,169.25 na surplus sa iniatang na collection target ng nakaraang buwan sa kabila ng panlupaypay ng maraming “players” dahil daw sa maraming tsetseburetse. Iniaangal ng ilang customs brokers na bukod sa maraming tsetseburetse ay kakaunti lamang ang mga examiners at appraisers sa Assessment Division kung kaya bumabagal ang mga transaksyon at ang pinakamasama pa ay ang pagbabayad nila ng mahal sa DEMURAHE ng kanilang mga kargamento.

Napag-alaman natin na sa kabila ng “return to mother unit” na order — na sa pananaw ng maraming customs insiders ay lubhang nagpaparalisa sa operasyon sa Aduana at nakasisira sa “trade facilitation” – may mga kawani na nadedesmaya dahil sa nagiging “floating” sila o wala man lang lamesa at silyang magagamit.

Samantala, WELCOME BACK kay Cap. Jerry M. Arizabal sa kanyang muling pamumuno sa ESS bilang district commander.

Hindi matatawaran ang husay ng kanyang pamumuno sa Customs police at naniniwala tayo na magiging maganda ang kanilang tandem ni Gen. Almadin.

Ayon sa ating bubuyog, bagamat tahimik lamang si Gen. Almadin ngunit ito ay tumutulong sa mga biktima ng superbagyong Yolanda sa northern Cebu.

Sana naman ay mapansin rin ni Gen. Almadin ang iba pang bayan sa northern Cebu gaya ng Borbon kung saan maraming bahay din ang nabuwal.

Junex Doronio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …