Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, nagparaya kaya ‘di nakatuluyan si Toni

ni  Pilar Mateo

ABA! Aba! Ang sabi ni Papa P (Piolo Pascual) sa presscon ng Starting Over Again nila ni Toni Gonzaga for Star Cinema, a long time ago pala eh, tumibok na ang puso niya sa babaeng nakikala rin dahil sa linya nitong ”I Love You, Piolo” ng isang soft drink na si Toni nga.

Hindi natuloy. Hindi nag-materialize. Parang project lang?

“I’d say na nagparaya na ako that time. Para maipagpatuloy niya ng maayos ang career niya. And siguro the time was not right. She was young. And may iba’t iba kaming tinatahak at pinagkaabalahan.”

At ngayong muli silang pinagtagpo sa una nilang pagsasamahang pelikula, magkaiba pa rin ang mga buhay na tinatahak nila. Toni has her Paul (Soriano) and linked naman si Piolo withShaina Magdayao after some love affairs.

Now, the movie directed by the Olive Lamasan required the bidas na magkaroon ng intimate and passionate kissing and lovescenes.

At sa kanilang dalawa ni Piolo, si Toni ang tila scaredy cat.

Sa tingin niyo, kung hindi nagparaya noon si Papa P sa pagdaan at pagkatok ng pagkakataon for them to be together, ano na kaya sila ngayon?

Bakit hindi dumating ‘yung point na they could have started over again?

Naku, sa February 12 na ito at Valentine’s offering ng Star Cinema.

Iba ang tema. Tungkol naman ito sa mga mag-ex.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …