Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Huwag n’yo munang husgahan si Deniece — Lolo Rod

ni Ed de Leon

FINALLY, may isang kaanak din si Deniece Cornejo na lumantad para suportahan siya, ang inirerespetong propesor at dating executive ng GMA Network na si Rod Cornejo. Si Rod iyong talagang lolo ni Deniece na kasama niya sa picture sa kanyang social networking account, dahil hindi naman siya masyadong kilala ng media, ang sinabing lolo ng modelo ay si Felipe Gozon na Chairman ngayon ng GMA.

Siyempre naroroon iyong contempt sa parte ng mga kumakampi kay Vhong Navarro. Sa mga taong showbiz, natural kampihan nila si Vhong dahil kasamahan iyan eh, samantalang iyon namang si Deniece ni hindi nila kilala. Iyon din naman ang sinasabi ni Rod, na huwag munang husgahan ang kanyang apo dahil hindi nila kilala iyon.

Sa totoo lang maraming gumagawa ng sariling conclusions eh. Minsan nakasakay kami sa taxi, may isang announcer sa radio na sinasabing text message iyon sa kanya ng isang nakikinig at sinasabing “masamang babae iyang si Deniece”. Ipagpalagay natin na may text nga ang isang nakikinig, dapat bang basta basahin iyon on the air ng isang responsableng miyembro ng media?

Siguro nga hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ni Deniece. Siguro nga nakikita nilang inconsistent ang mga statement niyon. Kahit ang NBI nagsabing hindi puwede mangyari ang bintang ni Deniece dahil minuto lamang ang pagitan sa nakuha nilang CCTV videos. Maaaring hindi sila aware pero may ginagawa na agad silang conclusion. Judgemental na agad sila. Pero may nakita ba silang CCTV noong unang pagdalaw ni Vhong, na inaamin nga rin niyang “may nangyari”? Iyon bang pangyayaring iyon ay kagustuhan din niyong babae?

Iyon ang mga question na dapat tinatanong din natin objectively. Dapat magkahiwalay ang ginagawang imbestigasyon sa kaso ng bugbugan, at kung ano ang nangyari at naganap sa bugbugang iyon. Kaya palagay namin, may sense ang sinabi ni Rod na hintayin muna natin kung ano ang kalalabasan basta humarap na sila pareho sa korte, hindi sa telebisyon.

Pele Inigo, ipapangalan nina Jolens at Mark sa magiging anak

DOON muna tayo sa magandang balita.

Halata mong happy, pero siyempre may nerbiyos din naman si Jolina Magdangal na nakatakda nang magsilang ng kanyang first baby.

Minsan nga napag-uusapan namin, tingnan mo iyang si Jolina, noong araw neneng-nene pa iyan na pakanta-kanta roon sa Ang TV, ngayon ay magiging nanay na. Parang napakabilis ng takbo ng panahon.

Ngayon, dahil modern na nga, may scanning na, nalaman na nilang isang baby boy ang magiging panganay nila ni Mark Escueta. Naisipan na rin nila na ang ibibigay na pangalan sa kanilang unang anak ay Pele Inigo Escueta. Sana naman huwag mahirapan sa kanyang panganganak si Jolina.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …