Monday , December 23 2024

JPE, Jinggoy at Bong, paano yumaman kung wala silang ibinulsa?

NAKAKIKILABOT ang walang kagatol-gatol at iisang pahayag nina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na kahit isang kusing daw ay wala silang ibinulsa sa kaban ng bayan.

Ito ay matapos silang sabihan ng Commission on Audit (COA) noong Lunes na ibalik sa pamahalaan ang daan-daang milyones na kickback sa P10-B pork barrel scam na pinaraan sa mga pekeng foundation ni Janet Lim Napoles.

Pinalalabas pa ng mga senador na sangkot sa P10-B pork barrel scam na tayong lahat ay mga bulag, at ang nagdudumilat na paglago ng kanilang mga kayamanang hindi kayang ipaliwanag kung saan nanggaling ay pawang kathang-isip lang pala natin.

Samo’t saring gimik ang ginagawa nila sa paglikha ng ibang isyu upang mailihis ang atensiyon at galit ng publiko palayo sa kanila at ituon laban sa administrasyong Aquino na gusto silang papanagutin sa panggagahasa sa kaban ng bayan.

Para sa mga hindoropot na politikong ito na ilang dekada nang nasa gobyerno ang kanilang angkan, wala palang masama sa ginawa o ginagawa nilang paglulustay sa pera ng bayan.

Ang lagi nilang palusot kapag nabubuko at pinananagot sa batas, pinopolitika raw sila ng administrasyon.

Naniniwala sila sa kasabihan na ‘pag paulit-ulit daw nilang ginagawa ang kasinungalingan ay naging totoo.

Ang sabi ng French classical liberal theorist, political economist at naging miyembro ng French assembly na si Claude Frédéric Bastiat (1801-1850):

“When plunder becomes a way of life for a group of men living together in so-ciety, they create for themselves in the course of time a legal system that authorizes it and a moral code that glorifies it.” (Kapag ang pandarambong ay isang paraan ng pamumuhay para sa isang pangkat ng mga magkakasamang naninirahan sa lipunan, lumi-likha sila para sa kanilang sarili ng isang legal na sistema na nagpapahintulot nito at ng kodigo moral na dumadakila rito.)

Sa madaling salita, ginagawa nilang mara-ngal ang pagnanakaw sa salapi ng bayan para magmukhang legal ang pandarambong, na ang tanging puhunan ay kapal lamang ng pagmumukha.

NASA DUGO LANG ‘YAN

KUNG ano ang puno ay siya rin ang bunga, ‘ika nga ng matatanda.

Kaya hindi na tayo nagulat nang lumabas ang ulat na si dating Sen. Loi Estrada, ina ni Sen. Jinggoy Estrada na asawa ng pinatalsik na pa-ngulo at sentensyadong mandarambong na si Joseph “Erap” Estrada, ay isa sa mga mambabatas na unang naging suki ng mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

Maging ang anak ni Erap kay San Juan City Mayor Guia Gomez na si JV Ejercito ay natuklasang  may   $525 milyong secret offshore account  sa British Virgin Islands (BVI) at may kaso rin siya sa Ombudsman dahil sa “nawawalang “P1.47 bilyon sa kaban ng San Juan City noong siya’y mayor ng lungsod.

Si Gomez naman ay inireklamo rin sa Ombudsman bunsod ng “missing” P2.14 bilyon pondo ng siyudad.

Hindi naman pahuhuli ang lahing Revilla ni Sen. Bong, na tulad nina Jinggoy at Enrile ay akusado sa kasong plunder sa P10-B pork barrel scam.

Ang kanyang tatay pala na si dating Sen. Ramon a.k.a. Nardong Kupit, este, Nardong Putik, tulad ni Loi ay isa rin sa mga orihinal na parokyano ni Napoles.

Habang ang “chief of staff cum paramour” ni JPE naman na si Gigi Reyes ang naging “kasapakat” sa paglalagak ng kanyang daan-daang milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) kay Napoles, at panraraket sa Bureau of Customs (BoC).

Sa nakalipas na ilang taon ay ang pamilya rin ni Reyes ang nakasungkit ng P5 bilyong mga proyekto sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), na kaharian ni Enrile.

Hindi pa ba mga lehitimong dahilan ito para tuldukan na ang kanilang pandarambong at pang-aabuso sa kapangyarihan, at igiit na maisabatas na ang anti-political dynasty law?

Papayag ba tayo na sa iilang lahi na lang napupunta ang buwis na ibinabayad nating mga maralita na halos nakagumon na sa hirap at kakakayod?

DEP’T HEADS NG MANILA

CITY HALL, WALA RAW TINAPOS

KUNDI KUMAIN?

“Memo from Civil Service Commission (CSC), may balita na sina: Jesus T. Payad, OIC ng Manila Barangay Bureau; Don Carter Logica, OIC ng MTPB; Raffy Mendez, OIC ng North Cemetery at Dandan Tan, OIC ng South cemetery ay ka-ilangang maka-comply ng 6 months sa educational attainment nila at civil service eligibility. Kung hindi raw po ay ibabalik ang lahat ng sinahod nila. Imposible nila ‘yun magawa in 6 months. Nag-enroll daw ‘yan sa UDM ngayon. Ang yabang n’yan, lalo na si Payad na high school lang, ‘yung iba ‘di ko alam. Paano n’ya matatapos ang college, masteral at professional eligibility ng 6 na buwan? Ganun rin ‘yung iba, ‘di rin graduate ng college at sub-prof eligibility dahil dating barangay official. Ang hinahawakan nila ay temporary as officer na employee. Required sa dep’t heads na kailangan may masteral at CESO.” <0929……./Feb.1>

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *