Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jumbo Plastic, Hog’s Breath may bentahe sa laban

NASA panig ng Jumbo Plastic at Hog’s Breath Cafe ang bentahe kontra magkahiwalay na kalaban sa quarterfinal round ng PBA D-League Aspirants cup mamayang hapon sa The Arena sa San Juan.

Makakatunggali ng Giants ang Blackwater Sports sa ganap na 2 pm samantalang magtutuos ang Razorbacks at Cagayan Valley sa ganap na 4 pm.

Kapwa nagtapos ng may 10-3 record sa elims ang Jumbo Plastic at Hog’s Breath Cafe para sa ikatlo’t ikaapat na puwesto. Bunga nito ay nagkamit sila ng twice-to-beat advantage sa quarerfinals.

Ang Cagayan Valley Rising Suns, na sumegunda sa torneong ito noong nakaraang season, ay nagposte ng 9-4 record para sa ikaapat na puwesto. Nagtabla naman ang Blackwater Sports at Cafe France sa ikaanim na puwesto sa record na 8-5. Nakamtan ng Elite ang huling quarterfinals berth sa pamamagitan ng mas mataas na quotient.

“We worked so hard to earn this advantage sa quarterfinals. Hindi namin dapat  sayangin ito,” ani Jumbo Plastic coach Stevenson Tiu.

Tinalo ng Jumbo Plastic ang Blackwater Sports, 79-72 sa kanilang pagkikita noong Disyembre 1. Sa larong iyon, ang Giants ay pinamunuan ni Elliott Tan na gumawa ng 26 puntos. Nagdagdag ng 14 si Jan Colina at 13 si Harold Arboleda.

Kahit na nadedehado sila, sinabi ni Blackwater Sports coach Leo Isaac na kaya ng kanyang mga bata na makabawi upang magpatuloy ang pag-asang makapagsubi ng ikalawang sunod na kampeonato matapos na mamayagpag sa nakaraang Foundation Cup.

Ang Blackwater Sports ay sumasandig kina Kevin Ferrer, Gio Ciriacruz. Narciso Llagas at Jerico Cruz.

Ang Hog’s Breath Cafe, na hawak ni coach Caloy Garcia ay nanaig din  kontra Cagayan Valley, 82-78 noong Nobyembre 14.  Subalit sa larong iyon ay tumukod lang ang Rising Suns sa fourth period matapos na makalamang 63-54 sa katapusan ng third quarter.

Kaya naman naniniwala si Cagayan Valley coach Alvin Pua na puwede nilang mapuwersa sa sudden-death ang Hog’s Breath Cafe.

Si Pua ay aasa kina John Pinto, Andrain Celada, Prince Caperal at Celedonio Trollano.

Makakatapat nila sina Kevin Racal, Jonathan Belorio, Philip Paniamogan at Francis Allera.

Sabrina Pascua

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …