Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA at TV5, naalarma sa muling pagsasama nina Kuya Boy at Kris

ni Reggee Bonoan

MUKHANG marami na namang naalarma sa pagbabalik ng tambalang Boy Abunda at Kris Aquino sa telebisyon dahil may mga naka-tsikahan kaming taga-GMA 7 at TV5 na kailangan nilang mag-doble kayod in terms of showbiz news.

Sabagay, alam naman kasi ng lahat kapag nagtambal ang King of Talk at Queen of All Media ay alam mo na ang mangyayari dahil maraming tsika silang puwedeng pag-usapan sa ere, at tiyak na aabangan na naman ang pagiging taklesa at pananamit ni Kris.

Simula Pebrero 10 ay mapapanood na gabi-gabi ang Abunda-Aquino Report na timing naman dahil advance birthday gift ito kay Kris na magdiriwang ng kaarawan sa Pebrero 14, Biyernes.

Real time reporting daw ang konsepto ng Abunda-Aquino Report say mismo sa amin ng taga-Dos, “maraming staff ang kailangan na naglilibot sa buong Metro Manila para kung may nangyaring involve ang sinumang taga-showbiz, puwedeng interbyuhin agad-agad, at nandoon mismo sa pinangyarihan.

“Kasi ‘di ba pag may showbiz events, like nangyari ng Lunes o Martes, late na nai-air, this time, on the spot talaga,” katwiran sa amin.

Samantala, mawawala naman na ang Ikaw Na! segment ni Kuya Boy sa Bandila dahil sa bagong programa nila ni Kris.

Kuwento pa sa amin ay hindi pa nagmi-meeting ang mga staff na bubuo ng Abunda-Aquino show kaya ‘yung iba ay hindi pa rin alam ang gagawin nila, “we’re mga boss pa ang nag-uusap-usap kasama sina Boy at Kris kasi may say sila sa show nila kung ano ang gusto nilang mangyari at saka ibabato sa staff.”

Sa kabilang banda, inamin mismo sa amin ng taga-GMA na kaya sila naalarma, “yung showbiz reports kasi namin, sa ‘24 Oras’ mo lang naririnig at ‘yung iba, sa ‘Startalk’ na, siyempre medyo mali-late kami. Sana lang mapanindigan ng Abunda-Aquino report ‘yung sinasabi nilang real time report kasi mahirap ‘yun.”

Say naman ng taga-TV5, “mahirap siyempre, heto nga, nahihirapan nga makakuha ng ratings ang ‘Showbiz Police’, heto may bagong aabangan naman ang mahihilig sa tsismis.”

Para sa amin ay segment lang ni Nay Cristy Fermin ang malaman sa talk show ng TV5 at saka anong oras ba ito umeere bakit hindi man lang pinag-uusapan?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …