Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi, ‘di pa rin isinasantabi ang pangarap na maging doktor (Kahit super busy sa taping at business)

ni   Maricris Vadlez Nicasio

VERY blessed kung ilarawan ni Jodi Sta. Maria ang nangyayari sa kanyang career ngayon. Bukod kasi sa patuloy ang magandang ratings at tuloy-tuloy na pagpapalabas (hindi pa nila alam kung hanggang kailan pero definitely magtatagal pa) ng Be Careful With My Heart nadagdagan pa ang kanyang ineendoso. Ito ay ang country’s preferred clinic for face, body and medical aesthetic services, ang Flawless.

“I’m so happy to be the newest member o the Flawless family,” ani Jodi nang ilunsad siya at ipakilala ni Ms. Rubby Sy, Flawless CEO sa entertainment press kamakailan. “Of course, I’ve been hearing about Flawless for years now and nakikita ko rin ‘yung mga clinic nila sa malls and mga ads nila, pero it was only late last year when I actually started going to ther clinic.

At siyempre, pinasasalamatan ni Jodi ang Flawless sa pag-aalaga sa kanyang skin at pagme-maintain ng kanyang freshness sa kabila ng maraming trabaho.

“Siyempre sa trabahao natin, madalas puyatan talaga tapos madalas pa nakatapat ka sa maraming ilaw or naarawan ka, eh ‘di lang naman ‘yun ang ginagawa ko. Aside from my work, I take care of Thirdy din tapos I’m studying pa and running my own business, so really, my schedule can sometimes get the best of me talaga. In other words, malakas maka-haggard.

“Kaya super thankful ako sa Flawless, especially sa Cell Booster Infusion Mask nila. Grabe! You really look and feel very gresh after that treatment. The mask itself contains apple growth afactors, which really nourished the skin, so after the treatment, kita mo talagang mas makinis ‘yung face at saka mas tight. Perfect siya sa mga super hectic na tao na naghahanap ng treatment na instantly ‘yung effect.

Sinabi naman ni Ms. Rubby na, “Even among her colleagues, Jodi is known to be a very caring individual and I guess that’s the reason why her portrayal of Maya works so well. Similarly, we want people to know that Flawless is a brand that cares. We keep saying this time and again that all our efforts—big or small—are geared towards helping people realize the most beautiful expression of themselves.”

At dahils a pagiging maalaga nga ni Jodi, siya ang napili para maging mukha ng pinakabang campaign ng Flawless, ang Alagang Flawless.

Sa kabilang banda, hindi pa rin pala isinasantabi ng aktres ang matagal na niyang pangarap, ang maging isang doctor. Kaya naman kahit busy, nag-aaral pa rin siya. “Ever since, sabi ko nga, kung hindi ako artista malamang nasa medicine ako ngayon.”

Sa ngayon, kumukuha siya ng Medical Biology sa La Salle at kapag natapos niya ito’y nais niyang mag-specialize sa Oncology, ang field ng medicine na tumututok sa cancer.

Bakit Oncology? Dahil isang cancer patient pala ang ina niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …