ni Ronnie Carrasco III
THERE were two obvious reasons kung bakit nakapanayam ng Startalk si Deniece Cornejo ng live in its February 2 episode: una, she’s related to a former GMA employee; ikalawa, ABS-CBN is Vhong Navarro’s bailiwick, and as such, irate and sympathetic fans of the actor could only do God-knew-what kapag tumambad sa kanila si Deniece.
Sa writer na ito nakatoka ang buong feature story ng Startalk: from the timeline of events na nag-ugat sa January 22 incident hanggang February 1 (no developments were reported the next day).
The main objective was anchored on presenting both sides of the story.
Batid namin sa GMA that as much we’ve wanted to pursue Vhong ay mahirap ito. Bukod sa kanyang affliation sa ABS-CBN which deprives GMA the access to the actor ay niliwanag ng kanyang abogadong si Atty. Dennis Manalo (who also went live) na pinayuhan si Vhong ng kanyang Psychologist to refrain from recounting his ordeal as this could further cause depression.
In fairness to Manalo’s live guesting, sumipa ang ratings ng Startalk sa segment na ‘yon whose interview was brilliantly handled by Ricky Lo and Lolit Solis.
Pero bakit nag-trending nga sa social media ang live appearance ni Deniece complete with all the iyak-iyak in the world ay hindi naman ‘yon winner as far as the viewers’ reactions were concerned?
Hangga’t maaari, this writer wouldn’t want to be biased and prejudicial. Pero habang umaagos ang mga luha ni Deniece na sinabayan pa ng pagkumpas-kumpas ng kanyang kamay—and the height, even invoking God’s name—to prove her innocence ay hindi man lang kami naantig?
Normally, sa mga nagiging panauhin naming may ibinabahaging malungkot at makakurot-pusong kuwento, we would find ourselves teary-eyed. Pero bakit sa kaso ni Deniece ay hindi rumehistro sa amin ang kanyang paikot-ikot na litany ng umano’y pagiging dehado niya?
Deniece even went as far as defending her male friends. Ipinagtanggol lang daw siya ng mga ito, pero mababait daw sila. Eh, mababait pala, why lay their hands on Vhong na kita naman sa kanyang kalunos-lunos na hitsura?
Mababait pala, eh, bakit maraming ikinakabit na ‘di magagandang kuwento kay Cedric Lee, ang sinasabing knight in shining armor ng damsel in distress kuno?
Sa panayam sa abogado ni Vhong, it was just the lawyer who clarified their legal stand on the case. Vhong was not at the studio in flesh and blood, pero bakit mas naging interesado pa ang mga manonood sa abogado who the viewers surely didn’t know from Adam, as opposed to the alleged victim in both histrionics and hysterics na sa halip kaawaan at paniwalaan ay pinulaan pa?
Deniece, pwede nang artista, scriptwriter, at direktor
Samantala, umaasa si Lolit na tutuparin ni Vhong at ng kanyang manager na Chito Rono ang pangako nilang pauunlakan ang Startalk. Kung noong nakaraang Linggo ay medyo nakaka-recover na si Vhong mula sa kanyang mga tinamong pinsala sa katawan, by then ay umaasa rin kami ng kanyang total recuperation.
Hindi lang sa pisikal na sakit na kanyang nalampasan, kundi sa aspetong moral, sikolohikal, mental, at emosyonal.
As for Deniece, minsan na siyang naging bahagi ng apat na palabas sa ABS-CBN, making showbiz her sideline. After her Startalk lachrymal guesting, panahon na sigurong ituloy-tuloy na niya ang pag-aartista at pagbibida sa soap.
Herself as the lead star, the scriptwriter and the director rolled into one!