Monday , December 23 2024

Closure order vs Manileño resto at bar

I will sing of your strength, in the morning I will sing of yoiur love; for you are my fortness, my refuge in times of trouble.—Psalm 59:16

HINIHINTAY na lang natin ang pagpapalabas ng tanggapan ng Business and License permit division ng Manila City hall para sa tuluyang pagpapasara sa Manileño resto at bar na nasa ilalim ng LRT Central Station sa Arroceros at halos katabi lamang ng Universidad de Manila (UDM).

Walang kaukulang dokumento o business permit ang naturang negosyo na nag-aalok ng alak at sugal sa mga kustomer.

Kaya walang dahilan upang hindi ito maipasara ng city hall!

***

MATAGAL nang inirereklamo sa aking barangay (Brgy 659-A Zone 71) dahil sa nililikhang noise pollution sa paligid ng UDM. Napakapangit din ang imahe ipinapakita ng negosyong ito sa mga kabataang estudyante.

Dahil lamang sa pakiusap ay pinagbigyan kong makapag-operate, pero nangako na kukuha sila ng permit at  barangay certificate sa aking barangay,  subalit hanggang ngayon ay bigo pa rin sila mag-apply ng business permit sa city hall.

***

DAHIL dito, inaasahan ko ang pag-aksyon ng business and license division para sa pag-iisyu ng closure order laban sa Manileño resto at bar.

Hindi lamang sa usapin legal ang punto natin dito, kundimoral issue, dahil napakabastos tingnan na katabi ng isang institusyon gaya ng UDM ang isang establisyemento na nagpapakita ng masamang imahe sa mga kabataan.

Inuman na, sugalan pa!

***

AT sa parte naman ng Manila City Engineering Office (CEO)sa pag-iisyu ng notice of demolition ay dapat maging parehas kayo sa pagpapatupad nito, hindi ‘yan basta na lang idedemolis ang mga kabahayan sa aking nasasakupan nang hindi ninyo personal na natitiyak kung may nilalabag na batas ng obstruction.

Kay City Engineer Roberto Bernardo, hindi ang grupo niFernando Luga este Lugo ng DPS-District III ang dapat ninyong kausapin sa usaping ito, kundi ang inyong lingkod na higit na nakaaalam sa kalagayan ng aking mga kabarangay.

Engr. Bernardo, my lines are open for communication.

“WALA NA ANG AKING PAKNERS!”

LUBOS ang aking pagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng aking “pakners” na si Barangay Chairwoman Thelma Mantchan Lim ng Brgy. 310 Zone 31 (District III).

Hindi ko inaasahan na sa isang iglap ay wala na ang pinakamamahal ko kaibigan, kabarangay, katuwang sa lahat ng mga problema sa buhay, sa politika man o hindi.

Isang malaking kawalan si Kapitana Thelma sa aking buhay!

***

SA mga nagmamahal sa aking pakners ang kanyang labi ay matutunghayan po ninyo sa Chapel A sa Arlington Memorialsa G. Araneta Avenue, ilang metro lamang ang layo mula sa SM Centerpoint, Sta Mesa.

Samantala, sa darating na Biyernes, Pebrero 7 ay dadalhin naman ang labi ni kapitana sa BASCOM ng barangay upang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kabarangay na masuyalpan ito sa huling sandali.

***

TUNAY na nalungkot ang buong barangay sa maagang pagpanaw ni kapitana Thelma, wala na ang kanilang matulungin. matapat at masipag na punong barangay sa Oroquieta sa Sta Cruz.

Muli, ang aking pakikiramay, kasama ang buong barangay sa mga naulilang pamilya ni Kapitana, sa kanyang kabiyak na si William at mga anak. Hangad natin ang katiwasayan niya sa kabilang buhay sa piling ng ating Panginoong Hesus Kristo.

Maraming salamat, pakners!

TEXTERS REACTION!

INBALIDO KASE ANG NAMUMUNO

Chairman Santos, wag na po kau magtaka kung puro inbalido  ang mga nsa pamahalaan ng maynila, kase inbalido ang namumuno. Sino pa ba ang magdadamayan magkukutsabahan kundi ang mga magka2parehong unggoy. — Juan po –090948184+++

NAKASISIRA SA PLM SI TUQUERO

Mccra ang professionalism at accountability ng PLM kung mismong Pangulo ng unibersidad ay hindi kuwalipiakdo as per CSC resolution, dpat pakngan nman ni myor erap ang cnulat nyo sa  column ngayon—09275692+++

TAGALOOB KUMUHA

NG PLM PRESIDENT

Bket nga po ba nailagay pa sa PLM si Artemio Tuquero? Over age na po cya sa posisyon at hindi na kuwalipikado dapat ay taga loob naman ng PLM ang kunin Presidente ng unibersidad.—Josephine—0909231425+++

NAGPAPASALAMAT SA EXPOSE’

Slamat chairwoman at nakalampag nyo ang PLM, madami nga po kami nari2nig na anomalya d2 sa aming eskwelahan, sna ilabas pa ninyo ang iba pang tunay na nangyayari, palakasan na kase ang labanan d2 sa PLM, mabuhay po kayo!—Diego 092607899+++

PART TIME COPS,

FULL TIME ESCORT

Legal na legal na po ang bentahan ng droga d2 sa daungan ng pier south at north dhil protektado ng mga pulis, umaalay pa o nag-eescort cla ng mga ilegal na trucks,  P500 hanggang P1thou pra lang makatawid at makalabas ng pier pra d makotongan ng kpwa nla pulis, gngawa na nila partime ang pagpupulis at tinitimbrehan na lamang ang kanilang hepe pra hinde na pumasok sa mga assignment nila, paging MPD OIC Col. Nana! —090770559+++

Para sa anumang komento, mag-e-mail lamang sa [email protected] o mag-text sa 0932-321-4355. Ang ating kolum ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *