Friday , November 22 2024

Ayawin na si Marquez?

IBA na si Juan Manuel Marquez.

Kung noon ay bilib tayo sa tapang nitong si Juan Manuel Marquez, medyo sumadsad na ang paghanga natin sa Mexican boxer.

Sa kasalukuyan ay hindi na ganoon ang tapang ni JMM pagkatapos na matsambahan niya si Manny Pacquiao noong isang taon.

Ngayon ay namimili na siya ng makakalaban.   Hindi katulad noon na kahit sino ang itapat sa kanya—haharapin niya.

Tingin natin, nararamdaman na niya ang pagsisid ng lakas at kalidad pagkatapos na maramdaman niya na wala na siyang ibubuga bago pa niya matsambahan si Pacquiao sa 6th round.

Hindi lang tayo ang nagsasabi niyan kungdi ang iba pang mga sports writers na nakapanood ng Pacquiao-Marquez 4.

Kaya nga pagkatapos ng labang iyon ay inayawan na niya ang Part 5 ng paghaharap nila ni Pacquiao.   Sa halip ay si Tim Bradley ang kinalaban niya.   At hindi nga siya nagkamali—wala na ngang hangin ang kanyang bodega.  Natalo siya kay Bradley.

Ngayon, hinahamon siya ni Ruslan Provodnikov na muntik nang tumalo kay Bradley.  At gaya nang inaasahan natin, hindi nga kumasa si JMM.

Natatakot na siyang magsuson-suson ang talo niya.

Namimili na siya ng makakalaban.

E, kung ganoon na ang kalidad ni JMM, dapat na sigurong ikunsidera niya ang pagreretiro.

oOo

In fairness kay JMM, nagpahayag ang kampo niya na posibleng makaharap ng Mexican boxer ang mananalo sa rematch nina Bradley at Pacquiao sa May.

Pambawi niya iyon sa pag-ayaw kay Provodnikov.

Katwiran ni Marquez na wala siyang mapapala kung lalabanan niya si Provodnikov.  Wala raw itong titulong hawak.   Misyon kasi ng Mehikano na tumangay pa ng isang korona para sa kanyang legacy sa boxing bago magretiro.

Oops.  Masamang indikasyon  iyon na aminado na si Marquez na kaunti na lang ang nalalabi sa kanyang lakas. Kaya irireserba na niya iyon sa huli niyang laban sa May.

Pag ganoon nga—ano pa ang ibubuga niya kina Pacquiao at Bradley kapag nakaharap niya?

oOo

Naniniwala si Bradley na madadalawahan niya si Pacquiao sa Abril.

Kung nagawa niyang talunin si Pacman noong nakaraang taon—magagawa niya uling manaig sa muli nilang paghaharap.

Well, posibleng pampalakas lang ng loob iyon ni Bradley dahil alam niya ang katotohanan na talo talaga siya sa una nilang laban.

Puwede ring babala iyon ni Bradley para sirain ang mental toughness ng Pambansang Kamao.

Sa ngayon kasi, iba na ang level ni Bradley pagkatapos na talunin niya sa isang kontrobersiyal na laban nila ni Pacquiao na kung saan ay idineklara siyang panalo ng dalawang hurado.

Matindi kasi ang huling dalawang panalo ni Bradley pagkatapos ng labang iyon. Giniba niya si Marquez sa isang desisyon at tinalo niya ang matinding si Provodnikov.

Alex Cruz

 

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *