Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bala ibinaon sa bungo ng Guardian leader

PATAY sa dalawang tingga ng kalibre. 45 sa ulo  habang nagkakape sa labas ng bahay ang biktimang lider ng Guardian Brotherhood Association matapos barilin ng riding in tandem kahapon ng umaga sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Supt. Samuel Delorino, hepe ng Rodriguez Police, ang napatay na si Basilio Tablazon, Jr., 45, alyas “Founder Libra,” negosyante at nakatira sa Blk. 04 Lot 132, Phase-1F, Sub-Urban, Brgy. San Jose ng nabanggit na bayan.

Agad tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na may plakang 1982-OR.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Marvin Agno, dakong 7:15 a.m. umiinom ng kape ang biktima sa pintuan ng kanyang bahay nang biglang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Bumaba at nilapitan ang biktima at binaril ng dalawang ulit sa ulo na siyang ikinamatay ni Tablazson.  (ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …