Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristoffer, pinatawad ang naka-hit and run pero kailangang bayaran ang danyos perhuwisyo

ni  JOHN FONTANILLA

NAGING maganda ang pakikipag-usap ng actor na si Kristoffer Martin sa asawa ng naka-hit and run ng kanyang sasakyan kamakailan.

Ayon kay Kristoffer, ”Okay naman, maayos ko namang nakausap ‘yung asawa.

“Pinresent ko na rin sa kanila ‘yung quotation, ‘yung estimation ng damage ng sasakyan.

“Sabi niya, iko-consult daw niya sa asawa niya, so siguro bayaran na lang nila.

“Kasi kung magdedemanda ako, wala naman sa akin ‘yun. Sabi ng asawa, iko-consult niya at nagmamakaawa siya kung puwedeng pababaan, ganyan-ganyan.

“Kasi raw, sasabay sa tuition and siyempre, ako naman, naawa rin ako. Kasi, siyempre naman, may puso rin ako, eh.

“Pero siguro kasi, kung ‘yung noong nangyari, ‘yung senaryong ‘yun, within the night, kung nangyari ‘yun ang na-settle, okay lang.

“Ayoko kasi niyong lasing ka na, nagmamataas ka pa, ako pa ang pinaparinggan mong mali, in denial ka, tapos tatakbuhan mo ako.

“Dalawang beses mo akong tinakbuhan. ‘Yan lang siguro ang gusto kong iturong lesson kay kuya.

“Eh, ‘di sana, kung noong gabing ‘yun kung nakipag-usap siya sa akin, naayos na, ano ba naman sa akin na insurance naman ‘yung sasagot niyan.”

“Si Daddy naman ‘yung nagsabi na, ‘Dapat hindi ka ginanyan, menor de edad ka, tapos siya 40-plus, gaganunin ka. Turuan niyo ng leksiyon para hindi siya ganyan-ganyan,” mahabang esplika ni Kristoffer.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …