Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot itinumba sa cara y cruz

NAPATAY ang 42-anyos lalaking nagsusugal ng cara y cruz, nang pagbabarilin ng ‘di nakikilang suspek, kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Dead on the spot ang biktimang si Edgardo Ricohermoso, ng 6225 Tulip St. Tramo I, Barangay San Dionisio,  sanhi ng mga tama ng bala ng ‘di batid na kalibre ng baril sa katawan. Agad tumakas ang suspek patungo sa hindi nabatid na direksyon.

Sa ulat ni SPO2 Rudy Dimson ng Investigation Detective & Management Section (IDMS),  dakong 2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa eskinita ng Pascua St., Gawad Kalinga, Barangay San Dionisio habang nakikipagsugal  ang biktima.

Sa pahayag sa pulisya ni Babylyn Ricohermoso, asawa ng biktima, sangkot sa ilegal na droga ang asawa kaya’t malaki ang posibilidad na may kaugnayan ang ilegal nitong gawain sa pamamaslang.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …