Monday , December 23 2024

Ang sistema ng ating edukasyon (2)

SA USAD ng panahon, nagbago ang layunin ng sistema ng edukasyon sa Amerika. Mula sa pagiging institusyon na ang layunin ay pigilan ang digmaan ng mayayaman at mahihirap tungo sa pagiging “globally competitive” ng mga Amerikano ngayong ika-21 siglo. Ang isa sa paraan upang maging globally competitive ang Amerikano ay ang pagpapatupad nila ng polisiyang “No Child Left Behind of 2001.”

Ito ang sinasabing titiyak na magtataas sa kalidad ng edukasyong Amerikano sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaroon ng masinsing pagsusulit sa mga paaralan. Bagamat nanatili sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas ang sinaunang layunin nito bilang isang paraan ng pagkontol ng lipunan upang manatili tayo sa loob ng orbito ng impluwensyang Amerikano ay nagkaroon din ng pagbabago sa sistema na sumasalamin sa mga pagbabagong nagaganap sa Amerika. Una na rito ang pagiging komersyalisado ng sistema ng ating edukasyon. Katulad ng kalakaran sa Amerika, mahal na rin ang dekalidad na edukasyon, dahilan upang hindi makayanan ng marami sa sambayanan. Isa sa mga nagtulak sa pagiging komersyalisado ng sistemang pang-edukasyon ang Education Act of 1982 na ipinilit sa atin noong panahon ng diktadurang Marcos ng pinamumunuan ng mga Amerikanong World Bank. Bunga ng batas na ito ay bumagsak ang kalidad ng edukasyon dahil naghari na ang mga negosyante sa larangang ito. Mula sa pagiging sentro ng kaalaman ay naging negosyo ang mga paaralan. Higit na mas mahalaga ngayon ang tubo kaysa kaalaman. Hindi na iminumulat ang mga mag-aaral bagkus sila ay ginagawang “globally competitive” na ang ibig talagang sabihin sa ating konteksto ay manggagawang walang angal at tagatanggap ng mababang sahod. Dapat sana ay daan tungo sa kalayaan mula sa kahirapan ang edukasyon pero hindi na ito totoo ngayon. Tayong mga Pilipino ay naniniwala na edukasyon ang daan paahon sa kahirapan at pagkakaroon ng tinig sa lipunan. Sa ating kultura ang kawalan ng edukasyon ay batik sa pangalan. Ito ang dahilan kaya ang mga responsableng mga magulang ay iginagapang ang kanilang mga anak sa hirap upang makatapos ng pag-aaral at kung bakit ang mga masisinop namang mga anak ay matiyagang nag-aaral upang makatapos.

Pero dahil na rin sa kamahalan ng gastusin sa pag-aaral ay hindi na ito kaya nang marami. Ang ilan na may konting kakayahang gumasta ay nag-tityaga sa mga walang kwentang paaralan o ‘yung tinatawag na “run of the mill schools.” Ang resulta nito ay ‘yung tinatawag ko na “college degree inflation” na ang ibig sabihin ay walang kalidad at halaga na titulo sa kolehiyo. Dahil sa pagpaparaya sa WB ay binitiwan ng pamahalaan ang estratehikong tungkulin nito bilang tagamulat ng mga kabataan at tagabigay ng mura subalit dekalidad na edukasyon sa mamamayan.

Ipinagparaya ng gobyerno ang mga tungkuling ito sa mga iilan subalit ganid na mga mamumuhunan. Ito ay mapanganib sa ating pambansang kaakuhan. Hindi dapat iniiwan ang pagtuturo ng kamulatan sa mga taong ang pangunahing motibo ay kumita ang negosyo. Naalala ko tuloy kung paano namin nilabanan ang ED Act of 1982 noong dekada 80 bilang mga Kristyanong aktibista. Inilantad na namin ang sama na magiging bunga ng isang komersyalisadong sistema ng edukasyon subalit hindi kami pinansin ng mga noon ay taga-Ministry of Education (DepEd ngayon) na nangatwiran na alam nila ang kanilang ginagawa dahil sa kanilang karanasan. Gayon man napatunayan namin matapos ang mahigit na tatlong dekada na kami ang nagdadala ng katotohanan at hindi sila.

***

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *