Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, dream come true ang mapabilang sa Biggest Loser Doubles

ISANG dream project para kay Matteo Guidicelli ang maging bahagi ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles bilang challenge master dahil magkatambal niyang gagamitin ang passion sa parehong hosting at sports.

“Sobrang masaya ako dahil simula noong first season ng ‘Biggest Lose’r pangarap ko na talagang maging host sa show na ito. Konektado siya sa triathlon and sports, na passion at lifestyle ko,” sabi ni Matteo.

Malaking hamon din daw para kay Matteo ang maging isa sa challenge masters ng programa kasama si Robi Domingo dahil kahit nagkaroon man siya ng ilang hosting projects noon, ibang hosting style raw ang kailangan para sa Biggest Loser Doubles.

”Sa ‘Biggest Loser’, wala kaming prompters. Parang ilalagay ka lang nila sa field, kaya kailangan ko talagang pag-aralan ang materyal ko. Talagang bagong experience ito para sa akin. Excited ako at siyempre, kinakabahan,”  aniya.

Bilang isang challenge master, makakasama ni Matteo si Robi sa pagbibigay ng challenges sa 14 pares ng bigating Pinoy na maglalaban-laban tungo sa kanilang pangarap na maging fit at magkaroon ng mabuting kalusugan.

Nakare-relate rin daw si Matteo sa mga bigating contestants dahil bilang isang triathlete, matindi rin daw ang pinagdaraanan niyang training sa ilalim ng kanyang coach.

“Kung ano ang ginagawang pag-motivate ng coach ko sa akin, ‘yun ang ginagawa ko sa contestants. Pinu-push ko sila. Kasi syempre gusto kong makita na nag-i-improve talaga sila at makitang mag-transition sila mula sa pagiging mataba hanggang maging payat,” pahayag niya.

Sa Pebrero 3, ipakikilala na ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles host na si Iza Calzadoang 14 pares ng bigating Pinoy na titira sa loob ng isang camp na sila’y sasanayin ng challenge masters na sina Matteo at Robi at mag-asawang coaches na sina Jim at Toni Saret.

Inaasahang uudyukin ng mga miyembro ng bawat pares ang isa’t isa na gawin ang lahat upang manatili ang kanilang koponan sa kompetisyon kaya’t masusubok din ang kanilang samahan bilang magkapamilya, magkaibigan, o magkabiyak.

Para sa updates ukol sa programa, sundan lang ang @BLPinoyEdition sa Twitter at ang @biggestloserdoubles sa Instagram o i-like angw ww.facebook.com/abscbn.biggestloserpinoyedition.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …