Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagets na akyat-bahay gang timbog

LIMANG menor-de-edad  na miyembro ng B12 Gang (Batang Dose), ang naaresto matapos  masundan ng kanilang pinagnakawan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi .

Isang alyas Pampi, 13-anyos, tumatayong lider ng grupo, kasama ang apat pang  menor-de-edad na sinabing sakit ng ulo sa kanilang barangay sa Bagong Barrio, ang dumayo pa sa Batangas para magnakaw.

Sa salaysay ng biktimang si Evelyn Garcia, 52-anyos, empleyado ng Department of Trade and Industry (DTI), kapitbahay niya sa Batangas ang nakatatandang kapatid ni Pampi at sa tuwing dumadalaw sa kanyang kuya ay pinag-aaralan na pala ang bahay niya.

Kamakalawa ng gabi, nabuksan ng mga suspek ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagsira sa bintana nito at natangay ang dalawang laptop at isang i -Pod, saka umuwi sa Brgy. 157, Bagong Barrio at doon ibenenta ang mga nakulimbat.

Agad nakahingi ng tulong ang biktima sa mga barangay tanod at dakong 11:00 ng gabi, naaresto ang mga suspek na ayon sa mga kagawad ng barangay, sakit ng ulo ang mga kabataang miyembro ng B12.

Nasa pangangalaga ngayon ng Social Welfare Department (SWD) ang limang bagets.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …