Saturday , November 23 2024

Kilabot na LBC gang arestado sa ospital

INARESTO ng Manila Police District ang 26-anyos lalaki na  miyembro ng kilabot na LBC gang sa Metro Manila, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Charben Duarte,  binata, jobless, ng 379 Northbay Blvd., Navotas City, ay isinailalaim sa hospital arrest sa  Caloocan Medical Center.

Positibong kinilala ng mga empleyado ng LBC Pureza,  Sampaloc, Maynila branch na sina Arlyn Medndoza at Mark Belo ang suspek.

Matatandaang, naholdap ang LBC branch nitong Enero 7, ng grupo nina Duarte, at nakulimbat ang P19,800 cash at dalawang cellular phone na nagkakahalaga ng  P10,000.

Nabatid kay P/Chief Insp. Randy Maluyo hepe ng MPD DPIOU, nakipag-ugnayan sa kanila ang Caloocan City Police station.

Bago nadala sa ospital ang suspek, nagpalitan ng putok ang grupo ni Duarte nang magka-onesahan sila sa kanilang nakulimbat sa LBC sa Caloocan, na ikinasugat ng suspek.

Nanawagan si Maluyo sa lahat ng Branch ng LBC na biktima ng robbery hold up na makipag-ugnayan upang masampahan ng kaso ang suspek .

(leonard basilio/Jason Buan)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *