Saturday , November 23 2024

Pambabastos ni Brillantes sa senior citizens, pinalagan pa

Sinuportahan ng mga senior citizen sa iba’t ibang panig ng Filipinas ang pagsasampa ng kasong contempt sa Supreme Court (SC) ni dating Rep. Godofredo Arquiza ng Senior Citizens Party-List laban kina Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph sa hindi pagpoproklama sa kanya kahit matagal na itong iniutos ng SC.

Ayon kina Rodolfo Esfulgar at Ching Lacson, opisyales ng senior citizens sa Quezon City, malinaw na ‘binastos’ nina Brillantes, Tagle at Yusof ang SC sa hindi pagsunod sa utos nito noong  Hulyo 23, 2013 na iproklama ng Comelec ang dalawang nominado ng Senior Citizens Party-List matapos makakuha ng mahigit 600,000 boto sa nakaraang May 2013 elections.

“Nakapagtataka kung bakit ayaw iproklama nina Brillantes, Tagle at Yusof ang nominees ng nakatatanda gayong sila mismo ay mga senior citizens na,” giit ni Esfulgar. “Ano ba ang mga motibo nila na waring nawalan na ng konsensiya para hindi pagmalasakitan ang sarili nilang sektor?”

Sinabi naman ni Lacson na matatahimik lamang ang senior citizens kung magpoproklama ang Comelec ng karapat-dapat kumatawan sa kanila sa Kongreso.

“Maawa naman sila sa senior citizens, ibigay naman nila ang aming karapatan,” dagdag ni Lacson. “Once na magproklama sila ng kakatawan sa amin sa Kongreso ay mapangangalagaan kahit paano ang aming mga kapakanan. Sana naman mahabag si Brillantes sa amin, tutal senior citizen na naman siya.”

Diniskwalipika ng Comelec ang nasabing party-list  pero bago mag-eleksiyon ay binaligtad ng SC ang desisyon at nakakuha ang nakatatanda ng mahigit 600,000 boto kaya may karapatan sa dalawang kinatawan sa Kongreso. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *