Monday , December 23 2024

Walang palusot sa kapalpakan sa VK

ANO kaya ang kasunduan ng mga video karera (VK) operator at ng mga pulis?

Sa tingin ko ay normal na lang para sa isang opisyal ng pulisya ang magpalusot para depensahan ang kabiguan ng kanyang mga tauhan na sawatain ang lahat ng uri ng ilegal na pasugalan sa kanyang lugar.

Halimbawa na lang ang mga nagmamantine ng jueteng na gumamit na ng mga operasyong “guerrilla-style” at “kangaroo”, na epektibong nakaliligtas sa mga awtoridad.

Ang ganitong mga modus operandi na pahirapang matugis ay nangangailangan ng masusing gawaing undercover, gaya ng pagsubaybay, stakeouts at deep-penetration jobs.

Nakakabuwisit lang kapag nagpapalusot ng kung anu-ano ang mga opisyal ng pulisya sa kapalpakan nilang mawalis ang lahat ng video karera machine sa kanilang baluwarte. Ito na po siguro ang pinakagasgas na akting.

Una, matatagpuan ang mga VK unit sa napaka-partikular na lugar.

Pangalawa, walang sawa ang operasyon sa mga puwesto ng VK—ang iba pa nga ay 24-oras sa isang araw.

Pangatlo, lantaran ang sugalan sa mga VK outlet—na kumukupkop sa grupo ng maloloko at magugulong estudyante na hindi nagsisipasok sa eskuwela para magsugal.

At pang-apat, kontra sa mga ito ang isang batalyon ng mga magulang sa bawat komunidad dahil ang mga anak nila ang pangunahing target ng mga gahamang VK operator.

Wala akong ibang maisip na balidong maidadahilan ng pulisya sa hindi pagkakatukoy sa pasugalan ng video karera kundi ang hayagang incompetence. Mas mainam namang pakinggan ang salitang  “incompetence” kaysa ang bulung-bulungang ang kuwartang padulas ang dahilan kaya awtomatikong nagbubulag-bulagan umano ang mga pulis kapag napadaan sa mga karaniwan nang pinagkakaguluhang pasugalan ng VK.

Sa mga chief of police at district directors: Hoy, gising-gising din po ‘pag may time!

***

Buti naman at nakikinig pa ang National Capital Regional Police Office sa himutok ng publiko nang salakayin nito kamakailan ang ilang VK outlet sa Quezon City at Malabon, bagamat tuloy pa rin ang ligaya ng mga VK operator sa nabanggit na mga lugar.

Parang tuloy pa rin ang paghahari-harian ni Buboy Go, na kapatid ng isang retiradong pulis-Maynilla, sa Malabon. Ipinangangalandakan pa nga niyang malakas ang kapit niya kay Mayor Antolin “Lenlen” Oreta. Mapatutunayan kaya ni Mayor na nagkakamali ‘tong si Buboy?

Sa Quezon City, ini-enjoy pa rin ng tatlong itlog na sina Jojo Cedeno, Lando at Danny “Dakne” Santos ang mistulang pagpoprotekta ng mga pulis sa kanila dahil talamak pa rin at tuluy-tuloy na umaalagwa ang kani-kanilang VK machine sa mga lugar na saklaw ng Quezon City Police District Stations 3, 4, 5 at 6.

Sobrang matagumpay ang mga negosyanteng ito kaya naman napaulat na pinalawak na ni Jojo Cedeno ang kanyang negosyo at mistulang nagdagdag ng branch nang mapaulat na nagbukas ng ilan pang makina sa Pasay City.

Kina Chief Superintendent Richard Albano, QC Police District chief; at Chief Supt. Jose Erwin Villacorte, Southern Police District director, konting galaw-galaw naman po diyan ‘pag may time, at baka ma-stroke!

***

Mas mabuti siguro kung kukumpiskahin mismo ng NCRPO ang mga VK machine na pag-aari umano ng sarili nitong mga tauhan—isang Jun Laurel—sa Taguig. Ang pulis-cum-pasaway na ito ay dapat na maaresto, makasuhan, makalaboso at masibak sa serbisyo.

Samantala, sa Las Piñas ay nasa 50 VK machine ang nangungupit sa allowance ng mga estudyante at mga bata. Napaulat na pag-aari ang mga ito ng isang alyas “Jake Duling”, na ipinagmamayabang na tropa niya ang isang opisyal ng Las Piñas City Police.

Ang Jake Duling na ito, kasama ang kanyang partner, ang pulis din na si Sergeant John M., at si “Nancy”, ay napaulat na nangangasiwa rin ng isang lotteng bookie outlet at isang saklaan sa Las Piñas. May pa-lotteng din ang Nancy na ito sa Maynila.

Sa Maynila, para bang magkasabwat ang pananahimik at kawalang-aksiyon. Mistulang pumapaling na lang ang pulisya, dinededma ang mga lugar na naghambalang ang mga VK machine ng mga operator na sina Gina at Romy Gutierrez.

Sana ay patunayan nina Chief Superintendent Isagani Genabe Jr., Manila Police District director; at Chief Inspector Bernabe Irinco Jr., hepe ng Manila Action and Special Assignment (MASA) ng city hall na nagkakamali ang Firing Line. Puwera na lang kung mas gusto nilang hintaying kumilos ang NCRPO at ito na ang gumawa sa trabaho nila.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *