Friday , November 22 2024

US$130M reward para pakasalan ang tomboy

MAY planong doblehin sa US$130 milyon ng isang Hong Kong tycoon ang ‘marriage bounty’ o dote para makahanap ng lala-king magpapakasal sa kanyang anak na tomboy, sa kabila ng pag-akit sa 20,000 kandidato sa inisyal niyang alok.

Dalawang taon na ang nakalilipas, nag-alok ang multimilyonaryong pro-perty developer na si Cecil Chao ng reward na HK$500 milyon (US$65 milyon) sa sinomang lalaki na makakukumbinsi sa kanyang anak na babaeng si Gigi para magpakasal sila.

Ayon sa report ng isang Malaysianong pahayagan, kinokonsidera ngayon ng 77-anyos na tycoon na itaas pa ang kanyang alok at maaaring doblehin ito sa halagang HK$1 bilyon kung mayroong makabi-bihag sa puso ng kanyang anak na tomboy.

“Hindi ko gustong makialam sa kanyang sariling buhay. Umaasa lang ako na magkaroon siya ng magandang buhay na may asawa at mga supling din kapag minana niya na ang aking kayamanan,” ani Chao sa panayam.

Ngunit ang bagong tangka ng kanyang ama na magbigay ng ‘financial sweetener’ sa sinomang lalaking mapapaibig siya ay sadyang nakaaapekto ng negatibo kay Gigi at sa babaeng kasintahan niyang si Sean Eva, na karelasyon niya sa nakalipas na siyam na taon.

“Hindi ako naniniwala na ang alok ng aking ama ay makaa-attract ng lalaki na aking magugustuhan,” pahayag ng 33-taon-gulang na anak ng tycoon.

“Mas gusto kong makipagkaibigan sa isang lalaki na willing mag-donate ng malaking pera sa aking charity na Faith in Love, pero kailangan din tanggap nila na mayroon na akong asawa (wife),” dagdag ni Gigi.

Gayonpa- man, naniniwala rin ang tomboy na ang ginagawa ng kanyang ama ay indikasyon ng kanyang lubos na pagmamahal sa kanya.

“Salamat, Daddy, mahal na mahal din kita,” aniya.

Naulat na pinakasalan ni Gigi si Eva sa isang seremonya sa Pransya noong 2012, pero hindi tinatanggap ang same-sex marriage sa bansang Hong Kong.

Kinalap ni Sandra Halina

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *