Tuesday , December 24 2024

Sibakan sa BoC Tuloy

No letup in the “detail” of customs officials in the Department of Finance’s Customs Police Research  Office (CPRO) kaya tuloy din ang pagdami sa nasabing Tambakan,” sa  kabila ng pagtangging ito ay kamgkungan. Magmula sa managerial position, ang mga  nasabing opisyal ay nagmukhang ckerk.

Kaya nga nagsabi ang isang dating Ambassador at ngayo’y party list representative Roy Señeres  na ang ginawang pagtatambak sa mga opisyal na pinalitan naman ng mga bagitong ga-ling  sa DoF at ibang ahensya ng pamahalaan, umano’y “unconstitutional at illegal. Gusto tuloy paimbestigahan ni Señeres sa Kongreso ang nasabing pagpapatapon sa CPRO sa finance sa utos ni Secretary Purisima.

Ang hakbang ni Purisima ay upang magkaroon ng malawakang cleansing or reform na ma-tagal nang ipinagkait sa Bureau ng mga nagdaang commissioner. Marahil isang malaking dahilan ang pakikialam ng mga pesteng politiko na marami sa kanila ay nagdidikta kung saang pwesto ilalagay ang isang collector. Bilang bayad utang na loob gaganti si collector ng utang na loob.

Ganito ang naging kalakaran sa mahabang panahon sa customs dahil sa pakikialam ng mga politiko. Natigil na lang ito  nang dahil sa dalawang bagay: una, pagsabog sa Kongreso ng pork brrel scam na ikinatakot na lubha ng mga senador at congressmen na dumuldol sa Bureau; ikalawa, iyong mismong source ng mga lagay sa mga politiko sinibak sa pwesto.

Kung sa surgery, ang ginawa ni Secretary Cesar Purisima na marahil may blessing ng palasyo, ay general. Lahat ng source ng sakit ng customs inoperahan. Isang salyahan lang, tapos. Pero, maganda kaya ang magiging resulta nito? Marahil may pagbabagong mapapalit dahil iyon  mismong mga pinuno ng mga opisina at unit ang nawala at pinalitan ng mga bagitong pinili ni Purisima. Walang duda na magagaling sila kaya lang kai-langan din ang training.

Dinala sa CPRO, na kasalukyang aabot na sa 50 ang naroong mga opisyal na kinabibila-ngan nina  Director Baby Azana, Liway Mendoza, Edna V. Cruz at mga intelligence officers tulad ni Atty. Alex Atienza, Bien Rubio, Nemesio “June” Mano, Marissa Galan, Joe Du, Johnny Martinez at Gerald Turiano.

Ang balita, isusunod na ang mga Customs police, may malilipat, may mareretain. Marahil ini-lbas na nitong weekend ang personnel order.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *