Sunday , November 24 2024

Lacson tikom-bibig

TIKOM ang bibig ni Presidential Assistant For Rehabilitation and Recovery (PARR) Panfilo Lacson sa kautusan ng hukuman sa Amerika na bayaran ng kanyang protégé na si dating police colonel Michael Ray Aquino ng $4.2 milyon ang magkakapatid na Dacer bilang danyos sa pagpatay sa ama nilang si PR man Salvador “Bubby” Dacer.

“I cannot speak for him. I’d rather not comment,” ani Lacson sa ambush interview matapos lumahok sa OML Center experts forum sa AIM Corporate Center sa Makati City.

Ngunit binatikos ni Lacson ang abogado ng magkakapatid na Dacer na si Atty. Rodel Rodis na aniya’y may modus operandi na lagi siyang siraan.

“Alam n’yo the lawyer of the Dacer family is the same lawyer who keeps on hitting me. Whether I’m in the news or in the limelight lalabas at lalabas ‘yan para siraan ako by way of articles or any narratives na ganoon modus operandi niya. I’d rather not comment or glorify mga pinanggagawa niya sa amin,” ani Lacson.

Matatandaang ibinulgar ni Rodis na may kaugnayan sa sindikato ng droga sa bansa si Lacson at tinutugaygayan ng Drug Enforcement Agency (DEA).

Ang $120 milyon kasong sibil ay isinampa ng magkakapatid na Dacer sa US District Court of North California laban kina Aquino, Lacson, ousted president, convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap Estrada, police colonel Glenn Dumlao, dating PAGCOr exec Reynaldo Tenorio, at Erap crony Dante Tan, batay sa Torture Victim Protection Act (TVPA).

Tanging si Aquino ang nahatulan ng nasabing “default judgment” dahil siya lang ang sumagot sa hukuman, at ayon kay Rodis, walang gustong maghain ng summons sa Filipinas kina Erap at Lacson dahil sa takot.

Ayon kay Judge William Alsup, hindi maaaring tumuntong sa US si Aquino habang hindi niya nababayaran ng $4.2 milyon ang magkakapatid na Dacer.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *