Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin Escudero, muling humahataw ang career!

MASAYA si Martin Escudero sa muling pagiging aktibo niya sa showbiz. Kung noong after niyang magbida sa pelikulang Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington ay tila nawala ang momentum ng kanyang career dahil hindi ito nabigyan ng magandang follow-up, ngayon ay nagpapasalamat siya sa patuloy na pagdating ng blessings.

Umaasa si Martin na makababawi siya at muling gaganda ang showbiz career tulad ng dati.

Bukod sa sunod-sunod ang project niya sa TV5, isa rin si Martin sa lead stars ng pelikulang Mumbai Love na showing na ngayong Wednesday, January 22. Ang pelikulang tinatampukan nina Solenn Heussaff at Kiko Matos ay mula sa pamamahala ni Direk Benito Bautista.

Tampok din dito sina Jayson Gainza, Raymond Ba-gatsing, Ronnie Lazaro, at marami pang iba.

Ang Mumbai Love ay isang feel good movie na may hatid na kilig dahil sa twist ng love story nina Solenn at Kiko. Maki-kita  rin sa pelikulang ito ang ilang kaugalian ng India at ang kanilang pagiging masinop sa negosyo.

Siyempre pa, puno rin ito ng mga nakatatawang eksena na karamihan ay mula kina Jayson at Martin.

Anyway, bukod sa Mumbai Love ay magsisimula na rin this week ang TV series ni Martin sa Kapatid Network na pinamagatang Obsession. Ito ay isang psycho-drama na umiikot sa pag-ibig, paghihiganti, at kahibangang dulot ng labis na paghahangad sa dalawang ito.

Nagpapasalamat nga si Martin sa mga oportunidad na ibinibigay sa kanya ng TV5.

“Siguro nagkakataon lang na napapansin tayo ngayon. Kaya pinagbubutihan natin nang todo talaga para hindi masa-yang ‘yung tiwala sa akin.

“Iyong papel ko rito, parang womanizer ako roon na sobrang malupit sa chicks. Pero one time makakakita ng katapat niya, ‘yung babae mao-obsess sa akin. Tapos ay doon na magsisimula ‘yung storya,”

Bukod kay Martin na gina-gampanan ang papel na James, tampok din sa Obsession sina Marvin Agustin (Ramon), Neri Naig (Bernadette), at Bianca King (Vanessa). Kasama rin sa cast sina Elizabeth Oropesa bilang Regina, isa rin doktor at ina ni Ramon; at si Maureen Mauricio bilang Eliza, ang maalalahaning ina ni Bernadette na isasakripisyo ang lahat para sa kanyang anak.

Ipalalabas ang Obsession sa TV5 simula January 23, 8PM sa direksyon ni Direk Jay Altarejos

nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …