Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, masaya sa pakikipag-ayos kay Melai

NAGPAPASALAMAT si Angelica Panganiban at nagkaayos na sila ng komedyanang si Melai Cantiveros.

Matatandaang nagkaroon ng gap ang dalawang aktres last year dahil sa opinyong ipinahayag ni Angelica hinggil sa pagpapakasal nina Melai at Jason Francisco.

Ipinahayag ni Angelica na sobrang nagpapasalamat siya dahil madaling tinanggap ng mag-asawang Melai at Jason ang kanyang paghingi ng apo-logy.

“Kasi galing akong taping noon ng Banana Split, so nalulungkot lang ako, siyempre nami-miss ko siya sa taping. So, ti-next ko siya na kung ano man ‘yung nangyari sa amin humi-hingi ako ng tawad at saka ta-lagang pag-intindi sa mga nangyari,” kuwento ng GF ni John Lloyd Cruz.

Sinabi rin ni Angelica na pati kay Jason ay humingi rin siya ng paumanhin.

Si Jason daw kasi ang nakabasa ng text niya para kay Melai dahil tulog na ang komed-yanang produkto ng PBB.

“Iyong sumagot sa akin ay si Jason kasi tulog na raw si Melai. Tapos ‘yun, nagkuwentuhan kami, mga hanggang ma-daling araw kaming magkausap. Tapos paggising ko, may text na si Melai na nagpapasalamat rin siya ganyan…” wika pa ni Angelica.

Idinadag pa ni Angelica na parang walang nangyari sa kanilang tampuhan, dahil balik na raw sila sa normal na masaya sila sa kanilang mga tsikahan ni Melai.

nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …